ISA sa mga bulok na sistemang isinaksak sa atin ng mga Kano sa politika ang pag-upa o paggamit ng ‘SPIN DOCTORS’ para umayon ang sitwasyon sa kanilang mga ‘bulok’ na hangarin.
STAND OUT ang ganitong sistema sa ating bansa lalo na kung KORUPSIYON ang iniimbestigahan.
Kung wala nang masulingan ang ‘NAIDIIN’ sa isyu ng korupsiyon, isang gasgas na sistema ang kanilang ginagamit, impluwensiyahan ang publiko sa pamamagitan ng ‘OVERKILL’ operation.
Ang ‘OVERKILL’ operation ay para patayin ang kredebilidad ng imbestigasyon sa isang isyu na apektado ang malalaking tao sa gobyerno.
Ganito ang ginawa nila sa ‘HELLO GARCI.’
At ngayon naman sa P10-B poprk barrel scam.
Paano ginawa ang ‘OVERKILL’ operation?!
Isang eksampol d’yan ang ginagawa ngayon na paglalabas ng iba’t ibang NAPOLES LIST— na may dagdag-bawas na mambubutas ‘este’ Mambabatas sa bawat listahan.
Ang layunin umano nito ay sirain ang kredibilidad ng imbestigasyon at lansihin ang mga ahensiyang humahawak ng imbestigasyon.
Ang una nilang inopereyt, si Justice Secretary De Lima. Unti-unti nilang ‘minantsahan’ ang kredebilidad ng Justice Secretary para nga naman hindi na siya maging kapani-paniwala sa publiko.
Ikalawa ang Ombudsman sa katauhan ni dating Justice Conchita Carpio Morales at ang ikatlo ang Sandiganbayan sa pamamagitan ng pag-uugnay kay dating Justice Gregory Ong kay Janel Lim Napoles.
Sino ang mga operator na ‘yan?!
Nand’yan lang po sa tabi-tabi ‘yan at nagpapanggap na malinis na malinis at parang ikinula sa kaputian.
Anyway, huwag po kayong palalansi, ang importante po ‘yung mga proseso para makamtan ng sambayanan ang katarungan laban sa mga mandarambong.
Lalo na ‘yun tatlong topnotcher na lumamon ng kanilang pork barrel!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com