Sunday , December 22 2024

‘Kupitax’ style bulok ng Solaire Casino

00 Bulabugin JSY
USAPAN ngayon sa mga casino ang style bulok ng Solaire Casino na kung tawagin ay ‘KUPITAX.’

This word derives from the word ‘kupit’ and ‘tax.’

Lahat na lang kasi ay pinapatawan ng tax ng nasabing Casino lalo na ang kanilang mga papremyo sa raffle.

Gaya na lang ng isang kausap natin na nanalo ng kotse sa kanilang pa-raffle, aba mantakin ninyo, hinihingan siya ng halos P1 milyon bilang tax daw sa napanalunan niyang kotse.

E bakit sa Resorts World Casino ay TAX FREE ang mga pa-raffle nilang kotse? Agad-agad ay maiuuwi ang napanalunan mong tsekot!

Naalala ko tuloy ‘yung isang joke tungkol sa isang empleyado na inalok ng leather seat cover ng sales lady sa isang mall.

“Sir, sale po ngayon, Italian leather po iyan, 50 percent discount … “

Sumagot ‘yung customer na lalaki: “Magastos naman ‘yang iniaalok mo sa akin Miss …”

Makulit ang saleslady, “Hindi Sir, from P10,800 nga, P5,400 na lang … e ‘di ba, murang-mura, ang laki ng naitawad mo … “

Sagot ulit ng customer, ‘E kapag binili ko ‘yan, kailangan ko na rin bumili ng kotse para magamit ko ‘yan, at kapag may kotse na ako, magpapagasolina pa ako araw-araw, e ‘di magastos!”

Hehehe …

Kidding aside, e paano kung walang P1 milyon ‘yung nanalo? Maghahanap o mangungutang pa siya?!

Ang ginawa na lang nga no’ng nanalo ng kotse kaysa mag-cash out pa siya ng P1-M sa account niya ‘e ini-convert na lang sa cash.

Noong nai-convert naman sa cash halos P1-milyon din ang nabawas, kasi nga TAX daw.

O sige tax kung tax na, ‘e paano naman nakasisiguro ‘yung nanalo at ang DTI maging ang BIR na pumapasok nga sa kabang yaman ng bayan ‘yang sinasabi ninyong TAX?!

Bakit hindi kayo nagpapakita ng pruweba na inire-REMIT ninyo sa BIR ang tax na ibinabawas ninyo sa mga nananalong customer?!

Mantakin n’yo, pati TIP ng mga empleyado ay may kaltas na tax ‘kuno’ rin!?

Ano ‘yan ‘KUPITAX?’

Paging BIR Commissioner KIM HENARES!

Paging DTI!

Ano na ang nangyari sa imbestigasyon ninyo?!

KUDOS SA NAKADALE NG MGA NAGMAMADALING YUMAMAN SA MANILA CITY HALL

O AYAN nadale na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) at Manila Police District Legal Office at Manila City Hall Manila Action Special Assignment  (MASA) ang isang kwartatekto ‘este’ arkitekto ng Manila City Engineer’s Office dahil sa pangongotong, kamakalawa ng hapon.

Matinik, matulis at magaling daw sa tarahan si Engr. Juan Capuchino, Jr., chief of staff sa City Engineering Office na inireklamo ni Cesar “King” Gallardo at Architect Bryan Chester Lim.

Ibang klase umano si Cachupoy ‘este’ Capuchino masyadong mahusay sa tarahan.

Kaya nang matimbog siya ng mga awtoridad sa pamamagitan ng entrapment e ang daming nabiktima na nakapagsabi na “Sa WAKAS nadale ka rin …”

Sa opisina kasi ni Capuchino ipinoproseso ang building permit, construction permit, signage at iba pang trabahong may kaugnayan dito.

Lahat umano ‘yan ay tinatarahan ni Capuchino at ang ikinakatuwiran ay SOP at ‘UTOS’ daw sa itaas. Saang itaas? Sa 2nd floor ba?!

Nang ma-entrap nga si Capuchino ‘e P50,000 ang dinadale niya kina Bryan Chester Lim at Cesar Gallardo.

Ilang beses pinagpapabalik-balik at pinahirapan ni Capuchino si Lim hanggang nainip na ang huli at bumigay sa hinihingi niya.

Pero nagkamali si Capuchino dahil ‘yun na pala ang oras niya.

Boom Panot, timbog ka!

Mayor Erap marami pa ‘yan diyan sa paligid mo! Hindi lang siya, may iba pa riyan sa City Hall na puro pangongotong ang ginagawa.

Madali pong makilala sila … ‘yun bang isang taon palang ‘e mga yumaman na agad.

Kahit itanong n’yo pa kay Jonat Bonsai at kay Karter!

Masyadong mga nagmamadali …linisin mo sila Mayor!

Hihintayin namin ang mga kasunod n’yan.

ANG PAGPAPAHIRAP NINA IO VALDEZ at IO SOLEDAD SA ISANG GOVERNMENT EMPLOYEE

A departing passenger identified as IRENE MAE CABBIGAT MAENG of Flight PR 382 bound for China was OFFLOADED twice.

Again, nangyari ito sa NAIA T-3!

MAENG is a government employee of Ifugao, Baguio City under Mayor Ceasario Caggibat Lagawe.

She was first offloaded by a Bureau of Immigration (BI) lady Officer (IO) VALDEZ despite of his valid documents such as Philippine Passport, travel authority from the local government unit (LGU), service record, official receipt for her hotel accommodation, plane ticket (back and forth) and a Chinese visa.

IO Valdez asked MAENG to comply some additional requirement to allow her to leave the country such as pay slip, individual tax return (ITR), group picture together with Mayor Lagaw and photo with Mayor Lagawe.

Anak ng tungaw!!!

KAILAN pa naging rekisitos ng BI ang picture with Mayor Lagawe!?

Come May 02 (Friday), departure sked na naman niya after her re-booking sa airline. MAENG was set to take flight PR-382 at about 10:30 with all the requirements asked by IO Valdez. Ang wala na lang ay ang photo with Mayor Lagawe.

But alas!

The passenger was again offloaded. This time si IO SOLEDAD naman ang umepal ‘este’ sumita sa kanya at ang dahilan ay wala ang retrato na kasama si Mayor Lagawe at gusto pa niyang makausap ang alkalde ng Ifugao thru cellphone sa ‘di malamang dahilan kung bakit kailangan.

Sonabagan!!!

You could just imagine. Ang layo ng Ifugao at pinagpapabalik-balik si MAENG at pagkatapos ay pagti-tripan lang pala at ‘di rin papayagang makalabas ng bansa ng dalawang IO sa dahilang walang retrato na kasama ang pinaglilingkurang town Mayor!?

Isang malaking perhuwisyo ang ginawa nina IOs Valdez at Soledad.

Ang  kawawang pasahero ay pormal na dumulog sa tanggapan ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan upang iparating ang ginawang abuso at kamalasadohan ng dalawang nagpapa-bright-bright na Immigration Officers.

Bureau of Immigration Commissioner Seigfred Mison, ano po ba ang masasabi mo sa ginawang pagpapahirap nina IOs Valdez at Soledad?

Ang lupeeet di po ba!?

Makatwiran ba ang naging desisyon ng dalawang novatos na Immigration Officers? Dapat pa ba silang ma-assign sa NAIA? O nagpa-power trip ba ang dalawang ‘yan?

Parang nakahihiya ang ganyang IOs sa ating airport na para bang ‘di  na makatao. Taong bayan ang nagpapasweldo kina Valdez at Soledad ngunit mukhang ‘di tama ang mga ginagawang pagtupad sa kanilang tungkulin.

Paano kaya nakapasok sa Bureau of Immigration sina Valdez at Soledad kung ganyan ang kanilang asal at pag-iisip?

Nakahihiya!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *