O AYAN nadale na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) at Manila Police District Legal Office at Manila City Hall Manila Action Special Assignment (MASA) ang isang kwartatekto ‘este’ arkitekto ng Manila City Engineer’s Office dahil sa pangongotong, kamakalawa ng hapon.
Matinik, matulis at magaling daw sa tarahan si Engr. Juan Capuchino, Jr., chief of staff sa City Engineering Office na inireklamo ni Cesar “King” Gallardo at Architect Bryan Chester Lim.
Ibang klase umano si Cachupoy ‘este’ Capuchino masyadong mahusay sa tarahan.
Kaya nang matimbog siya ng mga awtoridad sa pamamagitan ng entrapment e ang daming nabiktima na nakapagsabi na “Sa WAKAS nadale ka rin …”
Sa opisina kasi ni Capuchino ipinoproseso ang building permit, construction permit, signage at iba pang trabahong may kaugnayan dito.
Lahat umano ‘yan ay tinatarahan ni Capuchino at ang ikinakatuwiran ay SOP at ‘UTOS’ daw sa itaas. Saang itaas? Sa 2nd floor ba?!
Nang ma-entrap nga si Capuchino ‘e P50,000 ang dinadale niya kina Bryan Chester Lim at Cesar Gallardo.
Ilang beses pinagpapabalik-balik at pinahirapan ni Capuchino si Lim hanggang nainip na ang huli at bumigay sa hinihingi niya.
Pero nagkamali si Capuchino dahil ‘yun na pala ang oras niya.
Boom Panot, timbog ka!
Mayor Erap marami pa ‘yan diyan sa paligid mo! Hindi lang siya, may iba pa riyan sa City Hall na puro pangongotong ang ginagawa.
Madali pong makilala sila … ‘yun bang isang taon palang ‘e mga yumaman na agad.
Kahit itanong n’yo pa kay Jonat Bonsai at kay Karter!
Masyadong mga nagmamadali …linisin mo sila Mayor!
Hihintayin namin ang mga kasunod n’yan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com