Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis may kabit sa panaginip

Dear Señor H,

Mdlas ko nppanaginipan ang misis q na meron syang kbit, mdlas dn kmi nag-aaway ngayon, plz nterpet my drims… plz… plz don’t post my cp #! Tnx po sir, im allen en wait q ans nyo s hataw…

To Allen,

Ang panaginip mo ay repleksiyon ng kawalan o kakulangan ng lubos na tiwala sa iyong asawa. Iyan kasi ang nasa isip mo, kaya natural na mag-manifest o lumabas din iyan sa iyong bungang-tulog.

Subalit dapat mong tandaan na ang isa sa mahalagang pundasyon ng masaya at matatag na relasyon ay ang tiwala sa isa’t isa.

Kaya kung wala ka namang dahilan para magselos o hindi magtiwala sa mahal mo, dapat mong iwaksi sa iyong isipan ang ganitong mga pag-iisip o pagsususpetsa.

Nagpapakita rin ang ganitong tema ng panaginip ang iyong insecurities at ang iyong takot na ikaw ay abandunahin ng mahal mo. Maaa-ring kasama na rito ang pakiramdam na ikaw ay nababalewala, napapabayaan, at hindi nabibigyan ng atensiyon sa inyong relasyon.

O kaya naman, pakiramdam mo ay hindi masyadong nagpapakita ng sapat na pagmamahal sa iyo ang iyong asawa. Alternatively, posible rin naman na ito ay manifestation na sa wari mo, hindi mo nagagawa o hindi ka umaabot sa expectations sa iyo ng iba, lalo na ang mga taong malalapit sa iyo at mga mahal mo sa buhay. Isa pang maaaring dahilan ng ganitong bungang-tulog ay ang kakulangan ng satisfaction sa kasalukuyang relasyon.

Posible rin naman na ikaw ay may kinuku-yom na guilty feelings hinggil sa isang relas-yong sekswal o naghahanap ka ng mas matin-ding erotic sex life. May kaugnayan din sa discord at unresolved issues ang iyong panaginip. Maaari rin naman na kung ano-ano ang iniisip mo dahil sa iba’t ibang haka-haka na pumapasok sa utak mo kapag kayo ay nag-aaway, kabilang na ang pagsususpetsa sa asawa mo, kaya nagiging ganyan ang panaginip mo.Kaya maka-bubuting harapin at tuldukan na ang mga bagay na nagiging mitsa ng inyong suliranin at hindi pagkakaunawaan. Mainam din na pag-usapan ninyo ng maayos ng iyong asawa ang mga issue na bumabagabag sa iyong isipan, upang kayo ay lubos na magkaliwanagan at magkaroon ng matiwasay na pagsasama.

Goodluck sa iyong pamilya and God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …