ANG iba pang paraan ng paggamit ng Chinese coins upang makaakit ng enerhiya ng pera ay ang pagla-lagay nito sa inyong wallet o sa bulsa. Karaniwang tatlong coins na tinalian ng red ribbon.
Kung kayo ay may sariling negosyo, may iba’t ibang pamamaraan ng paggamit ng coins ayon sa classical Chinese feng shui schools. Maaari itong ilagay malapit sa cash register, o sa likod ng pintuan, sa financial papers, malapit sa telepono, etc.
Maaari ring gamitin ang Chinese coins sa iba pang popular feng shui money and good luck cures, katulad ng money tree, wealth vase, lucky bamboo, Chi lin, at wind chimes.
Ang anim o siyam na Chinese coins ay madalas na gina-gamit bilang annual feng shui cure sa apektadong bagua areas (kung susundin ang annual feng shui stars).
Maaari ring isama ang Chinese coins sa iba’t ibang jewelry designs, mula sa hikaw at bracelets hanggang sa mga kwintas at pendants.
Lady Choi