Saturday , October 5 2024

Admin allies sa Napoles list ‘di itatago

051414 napoles list rally

NAGKILOS-PROTESTA sa harap ng Department of Justice (DoJ) ang iba’t ibang grupo ng mga militante upang kondenahin si Justice Secretary Leila de Lima sa hindi agad pagsasapubliko sa kontrobersiyal na Napoles list. (BONG SON)

TINIYAK ng Malacañang na hindi pagtatakpan, iliiligtas o ipagtatanggol ang mga kaalyadong nadadawit din sa pork barrel scam.

Magugunitang pinangalanan kamakalawa ng gabi ni Rehab czar Ping Lacson batay sa kopya ng listahan na sinasabing nagmula kay Janet Lim Napoles, ang ilang kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nasa Napoles list gaya nina Sens. Alan Cayetano, Chiz Escudero, Miriam Defensor-Santiago at Budget Sec. Butch Abad.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, malinaw ang posisyon ni Pangulong Aquino na hayaang ebidensya ang magdikta sa takbo ng imbestigasyon.

Ayon kay Coloma, walang kakampihan ang administrasyon kahit sino pa ang madidiin sa anomalya.

“Malinaw ang batayang prinsipyong itinakda ni Pangulong Aquino sa simula’t sapol: hayaang ituro ng ebidensya ang direksyon ng pagsisiyasat. Walang hinihiwalay o kinakampihan, basta’t konkretong ebidensya ang batayan,” ani Coloma.

Kasama rin sa listahan ni Lacson ang iba pang incumbent senators na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ramon Revilla, Jr., Pia Cayetano, Gringo Honasan, Lito Lapid, Loren Legarda, Bongbong Marcos, Koko Pimentel, at Vicente Sotto.

Nabanggit din sa listahan ang mga dating senador na sina Edgardo Angara, Joker Arroyo, Manny Villar, Tessie Aquino Oreta, Ramon Magsaysay, Jr., at ang yumaong si Robert Barbers.

CIDG SA SENATORS ARREST ITINANGGI

ITINANGGI ng liderato ng Senado na kinausap ang mga pulis na silang mag-aaresto sa mga senador na dawit sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Magugunitang kahapon ay inamin ni CIDG director C/Supt. Benjamin Magalong na ipinatawag siya sa Senado ngunit tumanggi siyang idetalye kung may kinalaman sa pag-aresto sa mga senador sakaling lumabas na ang warrant of arrest kapag sumampa ang kaso sa Sandiganbayan.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, walang katotohanan na kinausap niya ang CIDG kundi ang nakausap niya ay ang cigarette manufacturers na walang kinalaman sa pork scam.

About hataw tabloid

Check Also

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Arrest Posas Handcuff

Solar installer arestado sa baril, bala at droga

MATAGUMPAY na naihain ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang dalawang search warrant laban …

Redrico Maranan Jose Hidalgo Jr Rommel Marbil

Hidalgo nagretiro
 P/BGEN MARANAN GUMANAP NA BILANG BAGONG PRO3 CHIEF

PORMAL na nagretiro sa serbisyo si P/BGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., at kompiyansang ipinasa ang …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *