Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Padrinong politiko sa kustoms naglaho

NAKAPAGTATAKA, biglang naglaho ang mga pesteng politiko na dati-rating nagdidikta kung sino ang ilalagay sa ganito o ganoong puwesto. Iyong masabaw na puwesto na tutulong sa kanilang campaign funds tuwing election.

Dalawang bagay ang nakikita nating dahilan. Una ay pagpasok ng mga bagong appointee ni Pinoy na karamihan ay mga retiradong heneral na armed forces.

Ikalawa, malaking lubha ang nagawa ng pork barrel scam sa paglaho ng mga pesteng politiko na sila mismo ang nagdidikta kung sinong collector ang ilalagay. Iyong influential na politiko, naididikta kung sino ang ilalagay sa masabaw na mga assignment. Sapat na makatulong sa political campaign.

Alam naman natin ang nangyari  nitong pagpapalit ng mga liderato sa customs matapos banatan noon ni Pinoy nang ganito, “Saan kayo kumukuha ng kapal ng inyong mga mukha. Noon pala in place na ang bagong magpapatakbo ng customs. Mga bagong mukha at s’yempre halos hindi pa alam ang kanilang trabaho. Pero nawalang bigla ang mga tinatawag na “tara groups.” Iyong mababagsik na grupo ng extortionists  na nagkalat noon sa Aduana. Sila ang naging peste sa buhay ng port users na talagang walang kawala basta sumasapit na ang Friday fiesta. Nawala na ito.

Kung mayroon mang tara ngayon, sila ay mga guerilla operation ang tirada. Hit and run. Saka kung mayroon man peanuts na lang. Hindi tulad noong dating may benchmark na P40,000 kada container.

Halimbawa ang resins na ngayon ay sinisingil ng P400,000 bawat container, nakalulusot ito noon. Isipin na lang kung bakit ang nawawala sa bureau umaabot daw noon ng mahigit isang trillion.

Paanong hindi magiging masyadong garapal noon ‘e may go signal ang mga politkong padrino. Nagmumukhang mga tau-tauhan ang matataas na opisyales ng bureau. Kaya’t iyong mga collector halimbawa malalakas ang loob na gumawa ng pangungurakot. Nawala ito ngayon at umaasa na magpapatuloy ang ganitong kalakaran.

Kaya lang hindi gaanong mabagsik ang mga opisyales sa mga dating nagsamantala sa puwesto. Iyong mga nagbenta ng mga kaluluwa para yumaman sila. Shall we say that the best thing that happens ngayon sa Customs ay ang ikalalansag ng mga tara group (extortion) at paglaho ng mga politiko na sa totoo lang ginagawang gatasan ang customs kapag election.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arnold Atadero

Check Also

Breaking The Silence

Breaking The Silence napapanahong pelikula

DAPAT suportahan at panoorin ang pelikulang Breaking The Silence ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa napakahusay ng mga …

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …