Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naburyong na sekyu namaril saka lumundag sa building

Malubha ang kondisyon ng isang gwardya nang mamaril at saka tumalon sa gusa-ling kanyang binabantayan sa Parañaque City.

Ayon kay Insp. Rizaldy Matula, DCPA commander ng Parañaque Police, isinugod agad sa Parañaque City Medical Center ng mga nagrespondeng pulis ang security guard na kinilalang si Paul Agustin.

Dakong 6:00a.m. nang magkagulo sa gusali ng Good Shepherd Realty Corporation, sa main road ng BF Homes dahil sa walong sunod-sunod na putok ng shotgun na hawak ni Agustin sanhi para mabasag ang bintana ng gusali.

Nang pinapasuko na ang sekyu ng nangrespondeng mga pulis, bigla na lamang itong tumalon at bumagsak sa harapan ng gusali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …