Tuesday , May 6 2025

Blood is not always thicker than water

00 Bulabugin JSY

KABILANG si Senator Jose Victor “JV” Ejercito sa 10 Senador na lumagda sa Blue Ribbon Committee report hinggil sa pork barrel scam na nagrerekomendang sampahan ng kaso sina Senators Ramon Revilla, Jr., Juan Ponce Enrile, at ang kanyang half-brother na si Jose “Jinggoy” Estrada.

Aba ‘e BUMILIB tayo kay Senator JV nang gawin niya ito.

Mukhang sinira niya ang isang kasabihan at patunay ‘yan na blood is not always thicker than water.

Ang sabi pa ni Senator JV: “More than my responsibility to my colleagues, I am accountable to the Filipino people who gave me their trust and mandate.”

Ang lupit po n’yan!

Sana lang ay totoo sa kanyang konsiyensiya ang sinasabing ito ni Sen. JV Ejercito at hindi retaliation lang sa pagkakasangkot niya sa isang kontrobersiya noong nakaraang eleksiyon.

Isang taon na ang nakararaan, nasalang ang integridad at kredebilidad ni Sen. JV nang isangkot naman siya sa British Virgin Island na sinabing mayroon siyang shares of stocks pero hindi niya idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Kung masasampahan ng kaso sina Tanda, Sexy at Pogi, tiyak na maaapektohan ang kanilang mga karera sa politika.

At ‘yan ay malaking bagay para kay Sen. JV dahil si Sen. Jinggoy ay hindi lang basta kapatid sa ama.

Sila ay mahigpit na magkaribal sa maraming aspeto ng kanilang buhay.

Sa kasabihan nga ng mga hoodlum: “Mas madalas magbangayan ang mga asong sa iisang plato lang naman lumalapang.”

PABOR TAYO KUNG TULUYANG MAIUUPO SA PCSO SI GOV. IRENEO  ‘AYONG’ MALIKSI

ISA tayo sa mga natutuwa kapag tuluyang naiupo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si dating Cavite Gov. Ireneo ‘Ayong’ Maliksi bilang Chairman.

Kung matutuloy kasi si ex-Gov. Ayong sa pwesto na ‘yan, aba ‘e mababawasan na rin ang kanyang paglilibang-libang.

Nito kasing mga nakaraang panahon ‘e madalas namamataan si ex-Gov. Ayong at ang kanyang misis sa mga slot machine sa mga Casino gaya sa Solaire Casino.

‘E napakahusay palang maglaro ni Gov at ni misis sa slot machine.

Kung magiging abala sa kanyang bagong pwesto, ‘e di hindi na nila kailangan ang madalas na dibersiyon sa Solaire Casino.

D’yan sa PCSO, muli nating makikita ang mahusay na pamumuno ni ex-Gov.

Anyway, good luck, PCSO Chairman Ayong Malicsi, Sir!

CALOOCAN LGU OFFICIALS NGARAG NA  SA KANILANG  SEGURIDAD

NAMAMAYANI ang takot at pangamba sa hanay ng Caloocan local gov’t officials (LGU) lalo na sa hanay ng barangay officials dahil sunod-sunod ang pamamaslang sa mga barangay kagawad at mga ex at kasalukuyang barangay chairman.

Mismong sila ay hindi nila maintindihan kung ano ang nagaganap.

Maya’t maya ay mayroong itinutumba sa siyudad ni Mayor Oca ‘natural nine’ Malapitan.

‘Yung pinakahuli nga ‘e pinasok pa sa  loob ng kanyang trabaho.

Meron tayong dalawang bagay na dapat diinan dito.

Una, kailangan matuklasan kung sino ang mga nagpapapaslang sa mga barangay officials na ‘yan.

Ang ikalawa at higit na importante, dapat nang kumilos ang Philippine National Police (PNP) sa pamamayagpag ng HIRED KILLERS, hindi lamang sa Caloocan kundi sa buong Metro Manila at sa buong lalawigan.

Mukhang mayroon nang isang ‘malaking kompanya’ ng hired killers sa ating bansa pero hindi namamalayan ng PNP.

Mahina na ba talaga ang intelihensiya ‘este’ intelligence group ng PNP?!

Ang pamamaslang ng mga riding in-tandem ay hindi lamang sa Caloocan nagaganap.

Talamak din sa Maynila, Quezon City, Pasig at Taguig.

Ano na ba talaga ang nangyayari, chief PNP, Dir. Gen. Alan Purisima?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax. Kasama si Ali …

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Nick Vera Perez abala sa promosyon ng ikaapat na album 

NASA bansa ngayon si Nick Vera Perez para sa kanyang ikaapat na album, ang all-original at all-new OPM …

Kiray Celis Mother P1-M Van

Kiray brand new van iniregalo sa ina (pagkaraang magbigay ng P1-M)

MATABILni John Fontanilla NAPALUHA ang ina ng actress/ businesswoman na si  Kiray Celis sa sorpresang ibinigay nito …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *