NAGKAINITAN sa komprontasyon ng dalawang grupo ng kalalakihan nang kantahin ng isang grupo ang kantang request na ‘Pusong Bato’ na nauwi sa saksakan, sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Malubha ang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ng mga biktimang kapwa 20-anyos, factory worker, na sina Franklin Celso, at Fila-mer Ralar II, kapwa residente ng Karisma Village, Brgy. Panghulo, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.
Agad naaresto ang papatakas na mga suspek na sina Wilmer Padilla, 25-anyos at Alvin Rempis, 18-anyos, mga residente ng E. Martin St., Brgy. Santolan, nahaharap sa kasong frustrated murder.
(rommel sales)