Dahil sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 2, magsisimula na ang Department of Education (DepEd) ng kanilang “Brigada Eskwela” sa mga pampublikong paaralan.
Sa Mayo 19 hanggang 24, isasagawa na ng DepEd ang inspeksyon sa layuning maihanda ang mga eskwelahan bago ang pasukan.
Inanyayahan ng DepEd ang mga nais makibahagi sa kanilang programa na makipag-ugnayan sa kanilang mga tanggapan o sa mga paaralan sa kanilang lugar.
Sa huling bahagi ng Marso 2015 inaaasahang magtatapos ang school year 2014-2015, na inaasahang mabuo ang mahigit 200 araw pasok ng mga mag-aaral.
(Beth Julian)