Patay ang 2-anyos paslit nang malunod sa isang irigasyon sa Taguiporo, Bantay, Ilocos Sur.
Putikan at wala nang buhay ang biktimang si Arlay Perona, ng Sitio Fontanilla, Paing, Bantay, nang ito ay matagpuan.
Ayon sa ina ng biktima na si Imelda, nasa likod sila ng kanilang bahay kasama ang biktima at isa pang anak na si Arel, 6, nang hindi namalayan na nakapunta sa irigasyon ang paslit.
Ayon sa kuya ng biktima, biglang nadulas ang kapatid at nahulog sa irigasyon. (Beth Julian)