PAGPAPASYAHAN sa Lunes ng mga miyembro ng Senate blue ribbon committee kung magsasagawa sila ng panibagong serye ng imbestigasyon ukol sa Napoles list.
Ang Napoles list ay naglalaman ng mga pangalan ng mas maraming sangkot sa pork barrel fund scam.
Ayon kay Sen. TG Guingona, pag-uusapan nila ng kanyang mga kasamahan ang “pros at cons” ng gagawing imbestigasyon.
Malaking hamon aniya ito dahil mas malaking bilang ng mga kasamahan nila sa Kongreso ang maaaring makaladkad sa panibagong pagsisiyasat.
Agad na rin isusunod dito ang imbestigasyon sa Malampaya fund scam.
(CYNTHIA MARTIN)