ARESTADO ang market administrator at apat pang katao sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na armado ng search warrant sa isang bahay sa Dumanjug, Cebu City kamakalawa.
Kinilala ni PDEA Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga naaresto na sina Jose Perfecto Amadora Sr., 60, administrator ng Dumanjug Municipal Market; Loverjan Castro, 20; Michael Piega, 40; Ronilo Meguiso, 33; at Emilio Sabino, 33, pawang mga residente ng nasabing bayan.
(JETHRO SINOCRUZ)