Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila Day Care Center pinababayaran na rin

00 Bulabugin JSY
LUMABAS din ang tunay na interes ng mga inakala ng mga Manileño ay mapagkakatiwalang public servant.

Gaya na lang ng pinakabagong announcement umano ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na pinamumunuan ng dating konsehala na si Dr. Honey Lacuna Pangan.

Hindi na raw libre ang mga day care center sa Maynila. Sa enrolment ay magbabayad na ng halagang P200 ang isang batang estudyante at kada buwan ay magbabayad pa ng P100.

Hindi natin maintindihan kung bakit nagkaroon ng ganitong pag-iisip ang MDSW chief na si Dr. Honey. (Dr. na pala kayo konsehala?)

Parang hindi kilala ni Madam Honey ang kanilang constituents sa Manila.

Hindi ba alam ni Madam Honey na ang mga nagpapaaral sa mga day care center sa bawat barangay ay ‘yung mga constituent nila na hirap na hirap iraos ang kanilang mga pangangailangan sa loob ng isang araw?!

Hindi ba niya arok kung magkano ang kita at gastos ng isang mamamayan na nabubuhay below poverty line level?!

Noong panahon ni Manila Mayor Alfredo Lim, hindi nila mai-propose ang ganyan klase ng mga singilin kasi alam nilang hindi papayag ang alkaldeng ang mithiin ay maging LIBRE ang edukasyon sa lungsod, mula day care hanggang kolehiyo.

Bakit LIBRE?

Dahil naniniwala si Mayor Lim na ang edukasyon ay isang paraan upang kahit paano ay maiangat ng isang tao ang kanyang kalagayan.

Sabi nga ni Mayor Lim, edukasyon ang magpapalaya sa bawat mamamayan mula sa kahirapan.

At karamihan ng pamilyang nagpapaaral sa day care centers ay ‘yung mga hikahos at kapos.

Dahil nga sa programa na ‘yan ni Mayor Lim, maraming lungsod ang gumaya.

Kung pagbabayarin pa ang Manileño na hikahos sa buhay, paano pa nilang mapag-aaral ang kanilang mga anak?!

Wala na nga’ng maibigay na mahusay na serbisyo ‘e nanakawan pa ng oportunidad ang mahihirap?!

Ano ba nangyayari sa inyo, Madam Honey?!

Hindi mo man gusto ang politika ni Mayor Lim (kahit na hindi naman siya namomolitika) ‘e huwag mo naman pahirapan ang mga constituent ninyo.

‘Yung tatay mo kaya, pakitanong mo nga rin siya kung pabor din siya na magbayad ang mga day care pupils?

Marami pang programa ang pwedeng pag-isipan. Huwag ninyong ‘pigain’ ang mga hikahos.

Pwede   ba ‘yun Madam Honey?!

JUICO OUT AYONG IN SA PCSO

BAGO ang lahat gusto nating pasalamatan si outgoing Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Margarita Pengson Juico.

Nagpapasalamat po sa iyo sa mga pasyenteng ini-refer natin sa PCSO sa pamamagitan ng Alab ng Mamamahayag (ALAB) na na-accommodate ni Madam Juico at talagang natulungan nang husto.

Thank you, Madam Chair.

Pero nagtataka talaga tayo kung  bakit biglaan naman ang paggo-GOODBYE ni Madam Chair Juico sa PCSO.

Ano man ang dahilan, nakahanda po kaming pakinggan ‘yan.

On the other hand, binabati natin si dating Cavite Governor Ireneo “Ayong Slot Machine” Malicsi sa kanyang bagong pwesto bilang bagong Chairperson ng PCSO.

Mukhang malakas pong bumulong si Rehab Czar Panfilo ‘Ping’ Lacson, ano po?!

Chairman Malicsi, hangad ko po ang inyong maginhawang pag-upo d’yan sa PCSO.

Lalo pa sana ninyong paigtingin ang paglilingkod ng PCSO sa sambayanan.

Isang tanong lang po: Wala naba kayong ambisyong bumalik sa politika (2016) sa kahit anong posisyon?!

Kasi Chairman Ayong, kung mayroon ka pang ambisyon sa politika ‘e baka mapagbintangan kang nag-fund raising ka lang d’yan sa PCSO?!

Anyway, good luck, Chairman Ayong!

AIR COOLING SYSTEM SA NAIA TERMINAL 1 SUPER PALPAK!

HINDI natin maintindihan kung paano mag-isip si Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 general manager DANTA BASANTA bilang pangunahing responsable sa nasabing terminal.

Mantakin ninyong mismong si Pangulong Noynoy pa ang humingi ng paumanhin sa mga pasahero dahil sa sobrang init sa NAIA terminal 1.

Aba’y dapat mahiya ka sa sarili mo Mr. Basanta. Mantakin mo, Pangulo pa ng ating bansa ang humihingi ng apology sa mga pasahero.

‘E kung ako ang nasa position mo, magre-resign na agad ako.

‘Yan ay kung marunong kang mahiya, ‘di ba!?

Alam natin under renovation and rehabilitation ang nasabing terminal pero hindi naman ito pwdeng idahilan sa mga pasahero.

Dapat inisip ng makupad na contractor ng DMCI Holdings Inc., at ni TM Dante Basanta kung ano ang gagawin nilang paraan na kahit paano ay mamantine ang air cooling system habang isinasagawa ang renovation and rehabilitation na bilyones ang halaga.

Wala bang pambili ng industrial cooling fan (IWATA) ang NAIA Terminal 1?!

‘E saan napupunta ang Airport tax na sinisingil sa mga pasahero?

‘Wag ka naman masyadong matipid TM BASANTA. ‘E nang magawi ako d’yan kamakailan sa Terminal 1 ay nakita natin na dadalawa lang ‘yung industrial cooling fan sa Arrival Customs area.

Sonabagan!

Libreng-libre po ang sauna sa NAIA Terminal 1 ngayon!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mga pelikula ng GMA aarangkada na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus  MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Sanggang Dikit FR

Dennis nakiusap tantanan asawang si Jen sa mga intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TO the rescue ang manager nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si tita Becky Aguila sa …