Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. manyakol sa isang casino

00 Bulabugin JSY

DAHIL sa pakiusap at rekomendasyon ng ilang kaibigan, isang Casino ang malapit nang sumakit ang ulo nang tanggapin siya bilang isang abogado sa kanyang kompanya.

Ang nasabing abogado na nakalusot bilang miyembro ng isang prestihiyosong kapatiran (fraternity) ay posibleng pagmulan ng isang malaking eskandalo, sa isang world-class casino na pag-aari ng isang kinikilalang negosyante sa bansa, dahil sa pagiging manyak, bastos at mahilig mang-harass ng mga babaeng kanyang nakukursunadahan.

Si ATTY. MANYAKOL ay naka-assign sa Libog ‘este’ Legal department.

Inirekomenda nga siya sa nasabing Casino ng mga BRO niya sa isang prestihiyosong fraternity kaya nagtiwala ang may-ari.

Pero mukhang maging ang kanyang mga ka-BRO ay sumasakit na ang ulo ngayon dahil sa sunod-sunod na reklamong natatanggap nila laban sa nasabing ABOGADONG MANYAKOL.

Bukod d’yan, SEX TRIPPER pa si Atty. Manyakol.

Kapag natipohan ‘yung mga female staff, pilit niyayayang mag-date sa pamamagitan ng bulgar at bastos na pagsasalita.

Ganyan din ang ginagawa niya sa ibang staff sa Casino.

Marami nang nagrereklamong staff, pero dahil hindi makaderetso sa may-ari ‘e hindi nakararating ang mga reklamo laban kay Atty. Manyakol.

Nalaman din ng mga staff na si Atty. Manyakol ay kaanak daw ng isang PASTOR sa isang kinaaanibang sektang Kristiyano umano.

Pero grabe rumepeke ang bibig sa kabastusan.

By the way, kilala mo ba si Atty. Manyakol,Mr. Enrique Razon?!

REHAB CZAR AND’YAN KA NA NAMAN PABITIN-BITIN!

MALAKI ang bilib natin kay ex-Senator at ngayon ay Rehabilitation Czar Panfilo “Ping” Lacson.

Gusto natin ang kanyang Mr. Clean image.

Kaya lang ayaw natin ng ‘STYLE’ niyang pabitin-bitin. ‘Yun bang tipong pabitin-bitin pa at mahilig magpahula.

‘E hindi naman tayo kamukha ni Madam Auring na mahuhulaan ang taong tinutukoy niya. Mas gusto pa natin siyang maging kamukha ni Efren ‘Bata’ Reyes, ‘yung hari ng tumbok!

Ang alam lang natin may ‘balls’ siya sa kanyang paninindigan pero hindi naman siya mukhang ‘balls’ na pabitin-bitin.

Gaya nang bigla siyang nagsalita kamakalawa, na dalawang miyembro raw ng Gabinete ni PNoy ang nakahahadlang o dahilan kung bakit mabagal ang pag-usad ng rehabilitation program sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ganoon din sa sinasabi niyang Napoles list. Kapag ‘nilinis’ daw ni Justice Secretary Leila De Lima ang sworn affidavit ni Janet Lim Napoles, ilalabas daw niya ang hawak niyang affidavit ni Napoles.

‘E marami naman pala kayong ALAM Sir, Rehab Czar Ping, bakit ayaw pa ninyong TUMBUKIN?!

Tirahin n’yo na ‘yan. Huwag nang magpabitin-bitin pa sa pagtumbok …

Kayo rin … gusto n’yo bang mabansagan na para kang walang balls?

Tumbukin mo Rehab Czar Ping!

RWM TOWING WALANGHIYA NA, MAGNANAKAW PA!

HAYAN nasampolan na ang RWM Towing.

Isang motorista ang nagharap ng reklamo  sa Manila Police District laban sa limang tauhan  ng towing company nang kanilang ‘karnehin’ ang spare parts ng sasakyan na kanilang hinatak.

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek na sina Jeff Mercullo, Alex Tomas, Cedie Sanchez, Anthony Navez at Jon Buen, mga tuhan  ng  RWM Towing Services na may address sa A. Mabini St.,  Malate, Maynila.

Kinasuhan sila ng theft at malicious mischief  sa MPD General Assignment Section (GAS) ng complainant na isang taga-Caloocan City.

Ayon sa  biktima, dakong 9:00 a.m. nitong Martes, nang hatakin ng mga suspek ang kanyang sasakyan, may plakang WFC 183 saka dinala sa impounding area  sa A. Mabini St.

Para matubos, naghagilap siya ng pera pero nang balikan niya ang kanyang sasakyan sira na ang compartment at nawawala na ang mahahalaga niyang gamit.

Humingi ng saklolo sa pulisya ang biktima ngunit pagdating  nila sa impounding area ng towing services ay nagpulasan bigla ang mga suspek.

Kawawa naman ang mga tauhan ng RWM Towing, sila nang sila lang ang makakasuhan, pero ang may-ari ay pirming ligtas.

By the way, hindi ba ang nag-acrredit sa RWM towing ay si MPD-TEU HEAD MAJOR OLIVE SAGAYSAY!?

Tsk tsk tsk …

Sana’y matuluyan na ‘yang salot na towing na ‘yan para magtanda ang mga kumag na ‘yan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …