NASORPRESA ang mga tao nang makita ang isang lalaki habang ipinapasyal ang dalawang nakataling pato sa high street ng London.
Napalingon ang mga pedestrian sa Peckham nang makita ang nasabing lalaki na naglalakad habang bitbit ang kulungan at sa kabilang kamay ay hawak ang tali ng dalawang pato.
Nakunan ng larawan ng architect na si Sam Jacob ang insidente habang siya ay nagdya-jogging at ini-post niya ito sa Twitter.
Inihayag niya sa ITV London: “People were shopping on the market and then out of nowhere I spotted this man walking these ducks on a lead outside KFC as if it was a perfectly normal thing to do.
“The strange thing was nobody seemed to take much notice – maybe it was a normal thing to be happening… in Peckham.” (ORANGE QUIRKY NEWS)