Monday , November 25 2024

Babala ng NBI sa mountaineers: Huwag munang umakyat sa Mt. Maculot, Cuenca, Batangas

00 Bulabugin JSY

PINAG-IINGAT at mahigpit na nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga mountaineer na huwag munang umakyat sa Mt. Maculot, Cuenca, Batangas.

Ito po ay kaugnay ng kahina-hinalang pagkamatay ng mountaineer na si Victor Joel Ayson noong Abril 2013.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng mga operatiba ng NBI sa nasabing insidente natuklasan nila na si Ayson ay hindi nahulog kundi sinadyang pinatay. At ang mga hinihinalang kriminal ay gumagala pa rin sa nasabing area.

Sa mga ulat ng mga naunang imbestigasyon sinabing nahulog si Ayson mula sa tuktok ng Maculot. Pero hindi kombinsido ang pamilya Ayson kaya’t muli silang humiling ng panibagong imbestigasyon sa NBI.

Sa muling pag-iimbestiga ng NBI sa pamumuno ni Head Agent SIXTO O. COMIA at mga kasapi ng Environment and Wildlife Protection Division kasama ang mga mountaineer, lumalabas na si Ayson ay pinaslang at ninakawan ng mga salarin batay sa mga nakalap na ebidensya.

Kaya habang tinutukoy pa nila ang tunay na suspek o mga suspek, nagbabala si Comia sa mountaineers na huwag munang akyatin ang bundok ng Maculot.

Sa ginagawang pagsisikap ng NBI at ng iba pang grupo, naniniwala ang ama ng biktima na magkakaroon ng katarungan ang pagpaslang at lalabas na ang tunay na pangyayari sa likod ng pagkamatay ng kanyang anak na si Victor.

Napag-alaman natin na naging mahusay ang ginawang imbestigasyon nina Head Agent Comia, una dahil siya ay taal na taga-Cuenca, Batangas. At ikalawa ay isa siyang tunay na mountaineer (true blooded kumbaga).

Ala ‘e … pamangkin pa pala ni dating Mayor Tito Comia.

Ibig sabihin lang na kabisado ni Head Agent Comia ang terrain ng Mt. Maculot kaya sadyang maso-solve nga nila ang kaso. Sa pagbibigay nga naman ng assignment importante ang basic knowledge o pamilyarisasyon ng imbestigador o grupo ng imbestigador sa lugar o insidenteng kanilang iimbestigahan.

Sa grupo ni NBI Head Agent Comia, sa Environment and Wildlife Protection Division (na tumutugis sa mga illegal miners) at volunteers/mountaineers … KUDOS!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *