PATAY ang 55-anyos lalaki habang sugatan ang isa pa nang magwala ang sinasabing may problema sa pag-iisip, sa Tondo, Maynila, kahapon.
Kinilala ang biktimang si Ricardo Raon, pedicab driver, namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center, habang ang anak na si Ronnel Raon, 19, ay dinala naman sa Gat Andres Bonifacio Medical Center. Ang dalawa ay kapwa residente sa 409 Int. 8 Inocencio St.
Kinilala ang suspek na si Billy de Guzman, na tumakas matapos ang pananaksak.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan ng MPD-Homicide Section, dakong 9:15 p.m. naghuhuntahan ang dalawang biktima nang pagsasaksakin ng suspek.
(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)