Monday , November 25 2024

Walang ayawan kay kornik ‘este’ Kiko

00 Bulabugin JSY

NAG-COOL OFF lang pala ‘saglit’ si dating Senator Francis Pangilinan sa panunungkulan sa administrasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III pagkatapos ng kanyang termino bilang Senador noong 2010 at matapos tumulong sa kampanya ng Liberal Party.

Matagal nang naaamoy sa Palasyo na iniuungot raw ni Kiko kay PNoy ang ‘agriculture’ post pero mukhang mas matindi ang kalawit ng kompromiso ng LP kay Proceso Alcala kaya nasungkit ng dating mambabatas mula sa Quezon.

Hayan pagkatapos ng tatlong taon ‘e itinalaga na rin ni PNoy bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization ang dearest husband ni Madam Megastar Shawie.

Sa kanyang Twitter ay sinabi ni ex-Senator and now presidential assistant Kiko na, “It isn’t easy leaving the simple farming life and the rural setting to rejoin government. Duty Calls.”

Hmmnnn…Ows talaga lang ha? Mukhang after three years ‘e handa nang humarap si Secretary Kiko para sa kanyang posisyon.

Mukhang nakapagpraktis siya nang husto sa kanyang 3-hectare ‘organic’ SweetSpring Country Farm (SCF) sa Alfonso, Cavite.

Kung hindi tayo nagkakamali, ipinagbili ni Madam Shawie ang kanyang properties sa Wack Wack at ibinili ng bahay sa Silang, Cavite at doon na rin sila bumili ng farm sa Alfonso, Cavite.

Masipag din pala magpundar si Secretary Kiko.

Kabilang sa kanyang hahawakan ‘e ang problematic agencies gaya ng National Food Authority (NFA), National Irrigation Administration (NIA), Bureau of Fisheries, Philippine Coconut Authority (PhilCOA), at ang Fertilizer and Pesticide Authority.

Tingnan natin kung uubra at magtatagumpay na ngayon si Secretary Kiko sa Agriculture. Medyo hindi maganda ang karera niya sa parliamentary lalo na nang suhayan niya ang pagdami ng mga batang kriminal sa pamamagitan ng iniakda niyang Juvenile Act.

Hindi ba’t dahil sa kanyang Juvenile Act ‘e maraming batang kriminal ang nakalulusot sa batas?

‘Eto lang po ang tanong ko Secretary Kiko, wala ka bang interes na tumakbo sa 2016!?

Aba ‘e kung buong puso mong tinatanggap ang posisyon na ‘yan, dapat huwag kang tumakbo sa 2016 para huwag kang mapagbintangan na magpa-FUND RAISING.

Kunsabagay, wala ka naman kahirap-hirap tuwing eleksiyon.

Kakaway lang si Mega-Shawie, swak na ang boto para sa iyo.

Sa totoo lang, si Shawie naman ang ibinoboto ng tao at hindi ikaw …

Work harder this time Secretary Kiko, para naman makabawi sa iyo ang sambayanan sa ilang taon mong pagiging senador, dahil hanggang ngayon ay wala kaming maramdamang positibo maliban nga roon sa perhuwisyong Juvenile Act mo.

Kailan mo ba ipare-REPEAL ‘yan?!

O aabangan namin ang mga bagong kabanata sa pagiging food security and agricultural modernization adviser mo ha!

Good luck Secretary Kiko!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *