ni Maricris Valdez Nicasio
MARAMI ang nagtatanong kung totoo raw bang naghubo’t hubad si Anne Curtis sa isang eksena nito sa Dyesebel? Ito ‘yung eksena noong Lunes na nagkaroon na ng mga paa si Dyesebel sa pamamagitan ng mahiwagang kabibe.
Dahil sa nawala ang buntot ng isda na tumatakip sa kalahating katawan ni Dyesebel, natural na bumulaga ang kahubdan nito nang napalitan ng mga paa. Pero sandal lamang ang tagpong iyon dahil kaagad namang nakakita si Dyesebel ng two piece bikini at agad niyang isinuot iyon.
Samantala, nagpahayag naman ng kagalakan si Anne sa patuloy na pagsubaybay sa kanyang teleserye. Sa totoo lang, ito ang numero unong show ng ABS-CBN na nanguna sa buwan ng Abril.
Sa Instagram account ni Anne, ipinahayag nito ang kanyang pasasalamat. “Pack up! Survived the ping pong taping day between Unit 1 and Unit 2! To tell you honestly guys, every night when I get to read all your comments when you guys are watching Dyesebel, it keeps me inspired and it makes all the hard work and effort everyone is putting in towards the show, worth it…. Yun lang. Just sharing. Ok. I think I should try and sleep na. Medyo papunta na sa emote ung post ko. GOOD MORNIGHT EVERYONE!”
PANGUNGUNA SA RATINGS
Sa kabilang banda, dinomina na naman ng ABS-CBN o ng Dyesebel ang listahan ng Philippines’ most watched TV programs sa buwan ng Abril, ito’y ayon sa datos ng Kantar Media
Nanguna muli, at ito’y sa loob ng apat na buwan, ang obra ni Mars Ravelo, ang Dyesebel. Ito ang pinakapinanonood sa buong bansa na mayroong 29.5 percent ratings. Sinundan ito ng iba pang TV show mula sa ABS-CBN, tulad ng Wanspanataym (28.9%), Ikaw Lamang (27.8%), Maalaala Mo Kaya (27.7%), TV Patrol (25.8%), The Legal Wife (23.5%), Rated K (22.5%), Bet On Your Baby (22.2%), Home Sweetie Home (20.8), Mirabella (18.2%), Pinoy Big Brother All In, Be Careful With My Heart (17.8%), Gandang Gabi Vice, at Goin’ Bulilit (17.4%), at ang pang-Sabadong It’s Showtime (17%).
Bale ang mga show na ito ang pinakasinusubaybayan pa rin ng mga Filipino noong Abril matapos pumalo ang average national audience share nito sa 44%, o siyam na puntos na mas mataas sa 35% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Kaya naman nanguna ang ABS-CBN sa iba’t ibang panig ng bansa tulad ng Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) kung saan nagtamo ito ng average audience share na 46% kontra 37% ng GMA. Panalo rin ang ABS-CBN sa Visayas na may average audience share na 57% at sa Mindanao na may 54% at pumalo ng doble sa natamo ng GMA na 26% at 27% sa nabanggit na mga lugar.
Hindi pa rin natitinag ang pamamayagpag ng Kapamilya Network sa primetime (6:00 p.m.-12MN) dahil sa average audience share na 48%, o 15 puntos na mas lamang sa 33% ng GMA.