Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, bumirit sa Dyesebel, kahit aminadong pangit ang boses

ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Anne Curtis na pangit ang boses n’ya. Hindi naman niya ito itinatago. Gayunman, marami pa rin ang naaaliw sa kanya sa tuwing kumakanta siya.

“Ano ba ‘yan, ang pangit ng boses ko today!” nasambit ni Anne sa isang mall show niya para sa kanyang endorsement. Pero, hindi talaga mapigil si Anne sa pagkanta kaya naman panibagong ‘dream come true’  sa aktres na mapabilang sa singers na tampok sa official soundtrack ng top-rating primetime fantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel.

Kaya kahit wala sa tono ang boses ni Anne, ipinagkatiwala pa rin sa kanya ng Star Records para awitin ang feel-good track na Pag Kasama Kita na magpapaalala sa nakikinig sa mga nakakikilig na karanasan ni Dyesebel (Anne) kasama sina Fredo (Gerald Anderson) at Liro (Sam Milby).

Tampok din sa Dyesebel:The Official Soundtrack ang mga kantang  Tangi Kong Kailangan ni Lea Salonga kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, Magkaiba Man Ang Ating Mundo ni Jed Madela, at Puwang Sa Puso ni Juris. Mapakikinggan din sa album ang lullaby version ni Juris ng Puwang Sa Puso, ang Pop version ni Yeng Constantino ng Tangi Kong Kailangan, at ang English version nito na  All I Need na kinanta naman ni Lea. Kasama rin sa Dyesebel Official Soundtrack ang minus one versions ng mga kanta.

Mabibili na sa record bars nationwide ang Dyesebel: The Official Soundtrack at maari na ring ma-download sa iTunes.

Samantala, huwag palampasin ang mga kapana-panabik na tagpo sa  Dyesebel gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Dyesebel bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/Dyesebel.TV at Twitter.com/Dyesebel_TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …