NATULUYAN din sa ika-10 pagpapakamatay ang isang padre de familia na nagdaramdam dahil hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula sa kanyang pamilya, sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon.
Dead on arrival sa Ospital ng Sampalok ang biktimang si Manuel Eleazar, ng Domingo Ampil Street, Sta. Mesa matapos matagpuang nakahandusay sa sahig at may nakapulupot na kable sa leeg.
Sa imbestigasyon ni PO2 Crispino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 2:30 p.m. nang natagpuan ng mga kaanak ang bangkay ng biktima.
Ayon kay Nora Eleazar, pang-10 ulit na nagtangkang mag-suicide ang biktima.
Nag-iwan ng suicide note ng biktima, na naglalaman ng mga sumusunod: “Ang dios na ang nakakaalam na tunay na pangyayari sa buhay ko dito sa Sta Mesa wala talaga tunay na nagmamahal ang pamilyang ito parang bahay bahayan lang ito minahal ko sila hanggang apo pero wala sa kanila, maraming salamat sa inyong pakain sa akin, pera talaga ang katapat ng tao.”
(leonard basilio, Camille I. Bolos, Nikki-Ann Q. Cabalquinto, Antonio C. Maaghop, jr., Bhenhor M. Tecson, Lara Liza M. Singson)