MAGTATAKA pa ba tayo kung karamihan ng mga SOUTH KOREAN fugitives at gangster ‘e sa Philippines my Philippines nagtatakbohan?
Huwag po kayong magtaka kung bakit malayang-malayang nakapapasok ang South Koreans ‘e kasi nga VISA FREE sila.
Kaya nga ‘yung Baguio City ‘ e isa nang South Korean hub sa ating bansa.
Lahat ng klase ng negosyo mula laundry shop, water station, food center, language school, KTV/bar, Korean groceries, meron na ang mga Koreano sa Baguio City.
Huwag na tayong lumayo, dito lang sa Manila ‘e sandamakmak na ang mga Koreanong ‘yan.
Ang mga fugitives naman sa kanilang bansa ‘e nakapagnenegosyo sa mga Casino, mga illegal na e-games at meron pang nagpapa-dog fight.
Saan ka pa?! Mga South Koreans lang ‘yan!
Pero kapag tayo ang pupunta sa kanilang bansa, sandamakmak ang hinihingi sa ating rekesitos.
Employment records, ITR, school records, business, properties, bank account, etc. etc.
Kulang na lang ‘e hingan na rin ng ‘death certificate’ ‘yung nag-a-apply ng Korean visa.
Sonabagan!!!
Gusto tuloy natin itanong kay Foreign Affairs Secretary Alberto Del Rosario, bakit ba tayo pumapayag na one way lang ang diplomatic relationship natin sa South Korea?!
Bakit nga ba?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com