NGAYONG ganap nang state witness si Madame Ruby Tuason at nagsoli pa ng P40 milyones, tuluyan na kayang ma-swak sa hoyo sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla?
Sa dami ng ebidensiyang hawak ng Department of Justice (DoJ) sa Ombudsman, ayon kay Secretary Leila De Lima, nakahanda na silang ihain ang demanda.
‘E nasaan na!?
Nagtataka lang tayo kung bakit ang daming sinasabi ni Secretary De Lima pero hanggang ngayon ay malayang-malaya pa rin ang tatlong Senador.
Pero araw-araw ay inuupakan sila sa media.
In fairness sa tatlong Senador, kailangan na talaga nilang gumulong ang katarungan para naman malinis rin nila ang kanilang pangalan.
Kung sangkot naman talaga sila ‘e kailangan na ng KATARUNGAN ng sambayanan.
Bilis-bilisan n’yo rin ang pag-aasikaso sa kasong ‘yan Ombudsman Conchita Carpio Morales, kasi marami ang naghihinala na ginagamit lang ‘yang P10-billion pork barrel scam para asintahin ang mga kalaban ng administrasyon.
E kung hindi pa maisasampa ‘yan sa Sandiganbayan, kahit mayroon nang state witness, baka maniwala ang mamamayan na pinaiikot n’yo lang ang sambayanan para sa 2016 presidential election.
‘Wag na ninyo i-apply d’yan ang NOYNOYING!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com