MAYROON kagyat na tungkulin ngayon ang lehislatura at ehekutibong sangay ng pamahalaan.
Kailangan mag-brainstorming ang dalawang sangay kung itutuloy o idi-dissolve na nang tuluyan ang charter ng Philippine National Railways (PNR).
Batay sa Republic Act 4126, ang charter ng PNR ay mapapaso sa Hunyo 20, 2014.
Wala pang posisyon ang Executive branch kung ii-extend ang charter.
Ayon kay Senator Recto, kung hindi palalawigin ang PNR Charter, isinasaad sa RA 4126 na sa loob ng tatlong (3) taon, kailangan ihanda ang dissolution at kung paano idi-dispose ang properties ng PNR kabilang na ang napakalawak na lupain gayon din ang air rights sa mga lupaing nasasakop nito.
Kung aayusin sanang mabuti ang ating rail system, malaking kaginhawaan ito sa sambayanang Pinoy.
Pero kung ‘bubulukin’ lang ito ng mga namamahala sa PNR, e mabuti pang huwag nang palawigin ang Charter at isapribado na lamang ang operasyon nito.
Naalala ko pa noong panahon ng aming kabataan, kapag nagbabakasyon ang buong pamilya namin sa Lucena City, ang sinasakyan namin ay air conditioned na PNR train sa Blumentritt station at ang biyahe namin ay inaabot lamang ng tatlong oras.
Malaking kawalan sa sambayanang commuters kung mawawala ang PNR pero nakasasama naman ng loob na sa buong rail system sa buong mundo na naging moderno at maganda, bukod tanging ‘yung sa atin lang ang naging DILAPIDATED.
Habang ‘yung railroad system sa ibang bansa ay umunlad nang ununlad at naging bullet train pa nga.
ONLI in da Pilipins lang talaga!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com