Saturday , November 16 2024

PNP-ASG protocol team sinibak sa NAIA T-3 ni chief PNP

00 Bulabugin JSY
SA nakaraang Holy week, sumambulat na parang pin balls ng bowling ang grupo ng tinaguriang protocol team ng PNP-Aviation Security Group sa NAIA Terminal 3.

Sinibak silang lahat! Anyare!?

Ito ay makaraang masaksihan ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan ang ginagawang pamamalengke ng nabanggit na grupo sa mga itinuturing nilang VIP passengers, lalo na ang mga Filipino-Chinese traders na galante pagdating sa mga pagkakataong binibigyan sila ng importansiya sa airport.

Batay sa impormasyong nakalap natin, Miyerkoles Santo nang maganap ang nakahihiyang insidente na isang Tsinoy gambler ang dumating at ang sabi ay nanalo pa sa pustahan sa Pacquiao-Bradley Rematch.

Ayos!

Bilang bahagi ‘kuno’ ng port courtesy ay naghandog ng serbisyo ang grupo ng mga tulisan ‘este’ grupo ng pulis na umalalay sa pasaherong Tsinoy. Pero ang masaklap ay halos maubos ang mga pulis sa kanilang poste at nagmistulang anino na susunod-sunod at nakatanghod sa Tsinoy gambler para mabigyan ng pakimkim.

Malas lang nila dahil  isang top government official ang nakakita sa kalokohan nila kung kaya personal niyang ipinagbigay-alam kay PNP Chief, Director General Allan Purisima ang raket nila.

Mabilis na nag-order si Chief PNP na sibakin at i-recall ang grupo ng PNP-ASG ‘SALUBONG BOYS’ sa NAIA T-3 at pinalitan sila ng rookie cops at lady cops.

Sabi ng ilang non-uniformed personnel at security forces ng NAIA T3, regular na aktibidad na umano ng ilang pulis ang pamamasahero. Tinukoy nila ang isang alias ‘PO1 Gulang ‘este’ Galang’ na garapalan pa umano kung ‘mamalengke’ ng VIP departing passenger kahit pa nakapila na ay walang patumanggang kukunin/bubunutin sa pila ni PO1 Galang ang pasahero at mag-o-overtake in full view of the passengers at the queuing area na ikinaiirita ng mga kababayan natin at banyagang sumusunod sa mahigpit na patakaran ng airport authorities.

Pero talagang kahit saang labanan ay nananaig pa rin ang kabutihan kaysa kasamaan kung kaya’t tinuldukan na ni Chief PNP ang masama o hindi tamang nakaugaliang gawain ng ilang kasapi ng pambansang pulisya.

Ayos ka Chief PNP!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *