TODAS ang isang cellphone technician, makaraang pagbabarilin ng isa sa ‘di nakilalang mga suspek sa Quezon city, iniulat kamakalawa.
Namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang kinilalang si Rogelio Cutamura, cellphone technician, naninirahan sa Batasan Hills, Q.C.
Ayon kay PO2 Amante Cabatic ng Quezon City Police District (QCPD) station 6, naganap ang krimen dakong 9:30 p.m. sa Lakatan St., sa lugar.
Ayon sa ulat, nakatayo malapit sa kanyang bahay ang biktima nang dumating ang dalawang suspek at pinagbabaril ng isa si Cutamura, habang nagsilbing look-out ang pangalawang suspek.
(JETHRO SINOCRUZ)