AAPAW na naman pala ang party-goers na sumibsib sa Boracay ngayon May 3 at bukas May 4.
Patok na patok raw talaga itong “Tattoo Labor Day Weekend 2014” sponsored by Globe Tattoo and hosted by Republiq.
Kung noong isang taon ‘e dinayo ng sandamakmak na locals at turista sa Boracay ang ganitong event, ngayon ‘e tiyak doble pa o mas higit ang bilang.
Ngayon hanggang bukas, ang event na ito pero nitong Huwebes at Biyernes ng gabi pa lang ‘e dinayo na ng ‘shaded’ party-goers ang event.
Kumbaga, tirik na trik ang buwan, ‘e nakasuot pa ng shades ang mga nagsipunta … halata tuloy na ‘kargado’ sila.
Naalala natin ‘yung event sa Angeles City, Pampanga nitong nakaraang Pebrero na mayroon pang nahuling drug-users.
Marami ang nagsabi sa atin na tila magiging isang malaking party ng mga ecstacy users ang event sa Boracay kaya may mga nakasuot ng shades (sunglasses) kahit walang sikat ng araw (gabi na).
Tsk tsk tsk …
Paging Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) may mga enforcers ba kayong ini-deploy sa Boracay?
O baka naman, nakasuot na rin sila ng ‘shades’ kahit nakatirik ang buwan?!
Paki-check na nga ng mga tao ninyo sa Boracay, PDEA director general, USec. Arturo Cacdac, Jr.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com