MANILA – Isa sa mga kandidata ng 2014 Miss Philippines Earth ang hinimatay nitong Miyerkoles ng gabi sa kasagsagan ng bikini competition na ginanap sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City.
Ang Fil-American kalahok na si Leslie Ann Pine, kumakatawan ng San Leonardo, Nueva Ecija, ay biglang natumba matapos tawagin ang special award bago maghatinggabi.
Ayon sa kapwa kandidatang si Pircelyn Pialago, kaibigan ni Pine, hindi raw masyadong nagkakain si Pine nang sumailalim siya sa “weight watch” hanggang sa gabi ng finals sa May 11.
Isinugod sa hospital si Pine na siya’y na-diagnosed na merong “electrolytes imbalance,” at siya’y pinalabas ng hospital Huwebes ng umaga.