Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 nagkanlong kina Lee, Raz sabit sa asunto

TATLO katao ang maaaring sampahan ng kasong criminal dahil sa pagkupkop sa negosyanteng si Cedric Lee at Simeon Zimmer  Raz, Jr.,  para makapagtago sa batas.

Hindi muna pina-ngalanan ng National Bureau of Investigation ang nagkanlong kina Lee at Raz sa isang beach house sa Dolores, Eastern Samar.

Ayon sa NBI, mahaharap sa kasong obstruction of justice ang mga sangkot na personalidad na kumalinga kina Lee at Raz habang sila ay tinutugis ng  mga awtoridad.

Sa ulat, kasama ng dalawa ang umano’y kanilang coddler nang sila ay madakip sa Oras, Eastern Samar, kamakailan.

Ilan pa sa hinahanting ng NBI na kapwa akusado nina Lee at Raz ay ang modelong si Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Sajed “Jed” Fernandez Abuhijleh, pawang nahaharap sa kasong serious illegal detention,  isang  non-bailable case.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …