MATAGAL nang pangarap ng mga taga-Navotas na magkaroon ng sariling ospital lalo na’t ang kanilang populasyon ay hindi na kukulangin sa isang milyon katao.
Dati kasi, mga health center sa 13 barangay at isang lying-in o first aid station ang pinupuntahan ng mga taga-Navotas kapag mayroon silang problemang pangkalusugan.
Pero kapag komplikado na ang sitwasyon ng pasyente, kailangan pa nilang pumunta sa mga ospital sa kalapit bayan gaya sa Tondo Medical Center, Ospital ng Malabon at Diosdado Macapagal Memorial Hospital sa Caloocan City.
Nang maging congressman si dating Mayor Toby Tiangco, ang isa sa mga naging proyekto niya ‘e ang pagpapatayo ng ospital ng lungsod.
Naisakatuparan naman at naumpisahan na nga ang konstruksiyon sa lote na pagmamay-ari ng National Grid Corporation sa Barangay San Jose sa pamamagitan ng pondo raw ni Congressman Toby Tiangco.
By the way, 9 na taon nag-mayor si Toby sa Navotas ‘e hindi pa pala nya natapos ang project na ‘yan!?
Sa kasalukuyan, anim (6) na buwan nang nakatengga at wala pa sa kalahati ang konstruksiyon ng nasabing ospital na ang rason ay naubusan daw ng pondo .
Ang pondo ay mula sa pork barrel o PDAF ni Congressman Toby na kamakailan ay ipinag-utos ng Korte Suprema na hindi naaayon sa Saligang Batas ng bansa ang ginagawang paggasta ng mga mambabatas.
Pero ang ipinagtataka ng mga taga-Navotas, bakit matetengga ang isang proyektong aprubado na ang kabuuang budget?!
Kung hindi tayo nagkakamali , mismong si Architect Jerry Magpayo, Bids and Awards Committee (BIDS) Chairman, ang nakaaalam n’yan.
Pero ang nakapagtataka, bakit mayroon na namang ‘BIDDING’ na ginanap para sa P45-million construction/completion (supply and installation of various hospital medical equipments) of Navotas City hospital loan sa Land Bank?!
Hindi ba dapat na itong imbestigahan ng Commission on Audit (COA) dahil doble-doble na rang pondong nailalan sa nasabing proyekto?!
‘E saan napunta ‘yung sinasabi ni Senator Jinggoy Estrada na sa Navotas Hospital niya inilalaan ang isang parte ng kanyang pork barrel?!
Ano ba talaga ang nangyari sa nasabing pondo? Napolitika ba ang PDAF o naibulsa kaya nakatengga ang konstruksyon ng Navotas City Hospital?!
Pakisagot na nga po Congressman Toby!
CCTV CAMERA NG ESTABLISHMENTS MALAPIT SA DLSU BOGUS ANG COMPLIANCE?
NAKAAALARMA ang natuklasan natin kahapon kaugnay ng isang hold-up/robbery case na nangyari d’yan sa harap ng De La Salle University Dagonoy gate.
Ito ay kaugnay ng tila bogus na compliance ng mga establishments malapit sa nasabing unibersidad gaya ng Torre Lorenzo Condominium, Banco de Oro at Jollibee along Taft Avenue malapit lahat sa De La Salle at College of St. Benilde.
Bilang isang magulang, ako ay nag-aalala sa seguridad ng mga estudyanteng nag-aaral sa nasabing paaralan, gaya nga ng naranasan ng isang 17-anyos na estudyante nitong nakaraang Abril 4, bandang 8:50 ng gabi.
Hinablot na ang kanyang laptop, sinagasaan pa ang kanyang paa. Mabuti na lang at agad siyang nasaklolohan ng security guard na si Mark Joseph Caponpon.
Pero ang higit pong nakaaalarma rito ay nang matuklasan ng imbestigador na si PO3 Manny Parungao, sa kanyang follow-up investigation, na ang mga CCTV camera sa tatlong establishments na nabanggit ay hindi naka-instila.
Ibig sabihin, meron lang nakasungaw na CCTV camera pero walang koneksiyon. Kumbaga, for display ‘este’ compliance lang dahil requirements ngayon ‘yan sa pagkuha ng business permits.
Habang ‘yung CCTV camera naman sa Dagonoy gate ng DLSU ay nahaharangan ng poste ng LRT.
Ang holdaper na bumiktima sa 17-anyos na estudyante ay naka-L300 at gumamit ng toy gun.
Isinusulat po natin ang pangyayaring ito para tawagin ang pansin ng DLSU at St. Benilde College management, maging ang management ng Torre Lorenzo Condo, BDO at Jollibee.
Ayusin po ninyo ang CCTV ninyo, huwag nang para sa kapakanan ng mga kliyente ninyo kundi para sa kaligtasan ninyo mismo. Paano kung isang araw e pasukin kayo ng masasamang loob, paano maire-record ang pagmumukha ng mga walanghiyang ‘yan?!
Sa DLSU po, paki-check ‘yung CCTV ninyo na nahaharangan naman ng poste ng LRT.
Sa Manila Police District (MPD) Malate Station (PS-9) at Ermita Station (PS5), i-check po ninyo ang mga CCTV under sa area of responsibility (AOR) ninyo, tourist area po kayo, bukod pa sa ilang malalaking unibersidad ang nariyan sa area ninyo.
Galaw-galaw din kapag may time!
AVIATION MARSHALL CAN NOT BE LOCATED!? (ATTN: CAAP)
NITONG nakaraang linggo (April 20), natuwa ang mga pasahero, lalo ang well wishers ng Philippine Airlines flight na nagmula sa Guangzhou, China dahil dumating silang ahead sa expected time of arrival.
Ngunit halos mahigit sa 30-minuto simula nang umalingawngaw sa paging system ang pagdating at pagta-taxing nito ay hindi naman tumitinag para makadikit sa Bay 47.
Anak ng kamoteng may ulalo!
Kaya pala ‘di makadikit ang eroplano ay walang aviation marshall na siyang nagsisilbing guide ng piloto para tuluyang makadikit.
Natutulog sa pansitan!
GAMBLING DEN SA QUEZON, PANGASINAN AT BATANGAS
APRUB lang daw kina Calarbazon PNP RD, PD at kay hepe ang mga perya-sugalan sa lalawigan ng Quezon.
Kung kay alias JUN ALONA ang pergalan sa tabi ng Pacific Mall, kay GLORIA naman ang nasa Brgy. Mayao sa bayan ng Lucena City.
Ang iba pang perya-sugalan ay matatagpuan rin sa bayan ng Tayabas City, Pagbilao, Agdanganan, Lucban, Infanta, pawang nasa lalawigan ng Quezon.
Kahit itanong pa ng Quezon-PNP kina alias TEYSIE, MILA at JUN ALONA.
Sa lalawigan ng Pangasinan, parang kabute rin nagsulputan ang mga perya de sugalan nina alias BEBOT, LUNA at REY, alias IBASAN na matatagpuan sa Malasigue, tabi ng good news construction supply sa poblacion; San Jacinto Plaza at sa Lingayen.
Open for public rin ang peryahan de sugalan sa Rosario at Lipa City, Batangas nina alias BOY LIFE. Sa bayan ng Alfonzo at sa Rosario sa Cavite, binigyan na rin ng go-signal ang operator na si EGAY.
Happy days ang 1602 sa mga lugar na ito!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com