Sunday , December 22 2024

May pakinabang ba ang mga Pinoy sa dalaw ni Obama?

00 Bulabugin JSY

MAGKANO kaya ang ginastos ng gobyernong Pinoy sa pagdalaw ng kinatawan ni Uncle Sam na si President Barrack Obama?!

Marami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang layunin ng pagbisita ni Obama sa bansa.

Dumating siya ilang oras matapos lagdaan nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang 10-taon Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Camp Aguinaldo, kamakalawa ng umaga.

Ang 10-taon kasunduan na ito ay inilarawang, “The US military will get greater access to bases across the Philippines …”

Sabi ni Goldberg, ang nasabing kasunduan ay ‘magdadala ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon’ at madali umanong makakikilos ang US at Philippines forces para mabilis na makatugon sa mga kalamidad at ilang hindi inaasahang kagyat na pangangailangan/pangyayari.

Ang isang malinaw na larawan daw nito ‘e ‘yung mga American military equipments ay malaya at mabilis na makapapasok sa ating military bases.

‘Yan siguro ang dahilan kung bakit hindi na kailangan pang magtayo ng US Bases sa bansa. Kasi magiging mabilis naman ang access nila sa ating military bases.

Sabi pa ni Goldberg, ang EDCA ay pagsisikap raw ng Washington para tapatan ang Chinese aggression sa rehiyon.

At ‘yun nga, pagkatapos ng lagdaang ito nina Gazmin at Goldberg ‘e dumating naman si Obama.

Maringal pero mahigpit ang seguridad sa pagdating ni Obama.

Pero hindi ito ikinatuwa ng mga motorista, commuters at negosyante na nababad sa hindi gumagalaw na trapiko sa buong Metro Manila.

Bukod sa pagkababad sa trapiko, hindi rin natuwa ang publiko sa sinabi ni Obama na hindi pakikialaman ng Estados Unidos ang kasalukuyang tensiyon sa pagitan ng ating bansa at ng China.

Ang sinusuportahan umano nila ang ginagawang hakbang ng Philippines na idaan sa diplomasya ang reklamo lalo na ang inihain na kaso sa international tribunal.

Sabi nga ni Obama, “As a matter of international law or norms, we don’t think that coercion or intimidation is the way to manage these disputes.

“Our goal is not to counter China. Our goal is not to contain China. Our goal is to make sure that international goals and norms are respected and that includes in the area of maritime dispute.”

Gano’n!?

In short, hindi dumiin si Obama para sa proteksiyon at seguridad ng bansa natin dahil siguro sa posturang sila ay demokratikong bansa.

Pero ang tanong, kung hindi kaya nilagdaan ni Secretary Gazmin ang EDCA, lumapag kaya ang Air Force One sa Ninoy Aquino International Airport?!

Sa ganang atin, ang deklarasyon ni Obama na hindi sila makikialam sa maritime dispute ng Pinas at ng China ay malayo sa katotohanan.

Alam natin na nakalatag na ang malaking pwersa ng US military sa Mindanao sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Habang ang EDCA ay kasunduang magtitiyak na ang US military equipments (eroplano, helicopter, tangke, armas at bala) ay malayang makapasok sa ating military bases.

So ano ang sinasabi ni Obama na hindi sila makikialam sa maritime disputes?!

Hindi sila makikialam, pero ang EDCA at ang presensiya ng kanilang military forces sa bansa ay sapat na upang maalarma ng China sa pagdalaw ni Obama sa   mga bansang Japan, South Korea, Malaysia at mismo sa Philippines my Philippines.

Sino nga kaya ang higit na makikinabang sa kasunduang ito?

SINO SI MARLON NA KINAKALADKAD  ANG INC CENTRAL?!

ISANG alyas MARLON daw ang putok na putok ang pangalan ngayon sa Metro Manila lalo na sa Maynila.

Nagpapakilala umano itong si Marlon na siyang kolek-TONG na inatasan umano ng isang ministro sa SENTRAL.

Gamit ni Marlon ang pangalan ng matataas na opisyal sa Sentral at gayondin ang ilang kasapian.

Noon pa man ay galit tayo sa mga taong ginagamit ang INC sa katarantaduhan kaya agad natin ibinubulgar ito para mapaimbestigahan ng Sentral.   Palagay natin ‘e dapat kumilos ang SENTRAL at imbestigahan ang pangangaladkad nitong alias  MARLON sa kanilang pangalan.

Pati sekta ay ginagamit, magka-PITSA lang!

Tamaan ka sana ng lintik na KIDLAT, kolek-TONG Marlon!

BAKIT PINAGKAKAGULUHAN ANG MS. UNIVERSAL GIRL CLUB SA PASAY?

HINDI talaga natin maintindihan kung ano mayroon sa MS. UNIVERSAL GIRL KTV/bar.

Sa huling balita natin ay muli itong nabawi ng dating management at operator sa grupo ni BULOL.

Ano ba meron talaga d’yan!?

May mina ba ng ginto d’yan at nagpapatayan ang mga club operator/owner?

Kung hindi tayo nagkakamali, ‘yan ‘yung club na ipinasara ni VP Jejomar Binay dahil sa human trafficking at nahulihan pa nga ng mga menor de edad.

‘E ba’t pinagpipilitan buksan ng nag-aagawang mga Japok club operator?!

Tsk tsk tsk …

Ang isa pang ipinagtataka natin ‘e bakit may pinapaboran ang Pasay City hall at Pasay PNP sa nagaganap na ‘bakbakan’ sa Ms. Universal Girl Club?!

Bahala na muna kung sino ang mananaig?!

Pakisagot na nga po!

PANAWAGAN NG BULABUGIN  SA BOCAUE SANITATION OFFICE

PAGING Bocaue, Bulacan sanitation office, paki-check po ang inirereklamong bakery. Para malaman po natin kung may katotohanan ang reklamong ito. Bukas din po ang kolum sa paliwanag ng management ng nasabing bakery.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *