Sunday , December 22 2024

May pakinabang ba ang mga Pinoy sa dalaw ni Obama?

00 Bulabugin JSY

MAGKANO kaya ang ginastos ng gobyernong Pinoy sa pagdalaw ng kinatawan ni Uncle Sam na si President Barrack Obama?!

Marami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang layunin ng pagbisita ni Obama sa bansa.

Dumating siya ilang oras matapos lagdaan nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang 10-taon Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Camp Aguinaldo, kamakalawa ng umaga.

Ang 10-taon kasunduan na ito ay inilarawang, “The US military will get greater access to bases across the Philippines …”

Sabi ni Goldberg, ang nasabing kasunduan ay ‘magdadala ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon’ at madali umanong makakikilos ang US at Philippines forces para mabilis na makatugon sa mga kalamidad at ilang hindi inaasahang kagyat na pangangailangan/pangyayari.

Ang isang malinaw na larawan daw nito ‘e ‘yung mga American military equipments ay malaya at mabilis na makapapasok sa ating military bases.

‘Yan siguro ang dahilan kung bakit hindi na kailangan pang magtayo ng US Bases sa bansa. Kasi magiging mabilis naman ang access nila sa ating military bases.

Sabi pa ni Goldberg, ang EDCA ay pagsisikap raw ng Washington para tapatan ang Chinese aggression sa rehiyon.

At ‘yun nga, pagkatapos ng lagdaang ito nina Gazmin at Goldberg ‘e dumating naman si Obama.

Maringal pero mahigpit ang seguridad sa pagdating ni Obama.

Pero hindi ito ikinatuwa ng mga motorista, commuters at negosyante na nababad sa hindi gumagalaw na trapiko sa buong Metro Manila.

Bukod sa pagkababad sa trapiko, hindi rin natuwa ang publiko sa sinabi ni Obama na hindi pakikialaman ng Estados Unidos ang kasalukuyang tensiyon sa pagitan ng ating bansa at ng China.

Ang sinusuportahan umano nila ang ginagawang hakbang ng Philippines na idaan sa diplomasya ang reklamo lalo na ang inihain na kaso sa international tribunal.

Sabi nga ni Obama, “As a matter of international law or norms, we don’t think that coercion or intimidation is the way to manage these disputes.

“Our goal is not to counter China. Our goal is not to contain China. Our goal is to make sure that international goals and norms are respected and that includes in the area of maritime dispute.”

Gano’n!?

In short, hindi dumiin si Obama para sa proteksiyon at seguridad ng bansa natin dahil siguro sa posturang sila ay demokratikong bansa.

Pero ang tanong, kung hindi kaya nilagdaan ni Secretary Gazmin ang EDCA, lumapag kaya ang Air Force One sa Ninoy Aquino International Airport?!

Sa ganang atin, ang deklarasyon ni Obama na hindi sila makikialam sa maritime dispute ng Pinas at ng China ay malayo sa katotohanan.

Alam natin na nakalatag na ang malaking pwersa ng US military sa Mindanao sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Habang ang EDCA ay kasunduang magtitiyak na ang US military equipments (eroplano, helicopter, tangke, armas at bala) ay malayang makapasok sa ating military bases.

So ano ang sinasabi ni Obama na hindi sila makikialam sa maritime disputes?!

Hindi sila makikialam, pero ang EDCA at ang presensiya ng kanilang military forces sa bansa ay sapat na upang maalarma ng China sa pagdalaw ni Obama sa   mga bansang Japan, South Korea, Malaysia at mismo sa Philippines my Philippines.

Sino nga kaya ang higit na makikinabang sa kasunduang ito?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *