Sunday , December 22 2024

Bakasyong naging bangungot sa Pueblo Por La Playa, Pagbilao, Quezon (Attn: TIEZA COO Mark Lapid)

00 Bulabugin JSY

ISANG pamilya ang labis na nadesmaya  nang sila ay magbakasyon sa isang mamahaling resort sa Pagbilao, Quezon pero ang ending ay bumagsak ‘este’ napunta sila sa St. Luke’s Hospital.

Upang ma-enjoy nang husto ang bakasyon, pinili ng mag-asawa ang pinakamahal na villa sa Pueblo Por Playa, kasama ang kanilang baby boy.

Pero pagkagising, agad nilang nakita ang namamagang mukha ng kanilang anak dahil sa kagat ng surot o ipis. Hindi sila sigurado kung alin sa dalawa pero ang tiyak ‘e mayroon malaking kagat ng insekto sa mukha ang kanilang anak.

Bago matulog ng gabing iyon ang pamilya, minabuti ng ina na muling linisin at i-sanitized ang kwartong nakuha nila sa kanyang sariling pamamaraan.

Napansin niya kasi na hindi masyadong malinis ang kwarto base sa kanyang standard. So para hindi maistorbo ‘yung mga staff, siya na ang muling naglinis ng kanilang kwarto.

Pero mukhang hindi tinablan ng insect repellent ang mga alagang insekto ng Pueblo Por Playa kaya hayun nadale ang baby boy.

S’yempre dahil anak nila ang biktima, agad tumawag sa front desk (9:50 a.m.) si misis para magpapunta ng doctor o nurse sa kanilang villa para i-check kung ano ang nakakagat sa mukha ng kanilang anak.

Pero anak ng pitong surot, naghintay nang naghintay lang sila hanggang madiskubre nilang wala naman palang clinic ang resort kaya walang darating na doctor o nurse.

Sonabagan!!!

Nagpapahaba pa rin ng pasensiya, humingi na lang sila ng hot or cold compress pero ito ang isinagot ng empleyado sa desk … “Hugasan n’yo ng sabon ‘yung mukha ni baby, ‘yun lang po ang first aid na mabibigay namin.”

Doon na kumawala ang galit ng ina.

Itinanong ng ina kung sino ang kausap niya pero hindi na sumagot at ini-hang na ang telepono.

Nagpasya na lang ang ina na tawagan ang security para sunduin sila at dalhin sa lobby para mag-check-out.

Pagdating sa lobby, kinausap nila ang tao sa counter at hinanap ang resort manager para kausapin pero ganito ang sagot ng nasa counter: “May binili po sa bayan, hintayin n’yo na lang po s’ya kung gusto n’yo makausap.”

Desmayado na talaga nang husto kaya minabuti ng mag-asawa na mag-check-out na at binayaran nang buo ang kanilang bill.

Sa kabila ng perhuwisyong inabot ng pamilya ‘e siningil pa rin sila nang buo.

Sabi nga ng padre de familia, “We go on vacation to rest, relax and spend quality time with our family and not to be troubled!”

Sa madaling sabi, nakabalik na sa Maynila ang pamilya at dinala na nga sa St. Luke’s ang kanilang anak pero hindi pa rin umano sila nakatanggap ng tawag mula sa resort manager na si IVY ALCALA.

Kung hindi tayo nagkakamali ang Pueblo Plor Playa ay pag-aari ng pamilya ni dating congressman at ngayon ay Department of Agriculture (DA) Secretary PROCESO ALCALA.

Tumatayong corporate executive officer (CEO) ng kompanya ang kanyang anak na si IRVIN ALCALA.

Kaya ba parang DEADMA lang ang mga empleyado ng Pueblo Por Playa sa nagrereklamo nilang customer dahil ang amo nila ay si Secretary Alcala?!

‘E ito bang si Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) COO MARK LAPID ay ginagawa ba talaga ang trabaho niya na mag-monitor at mag-check ng mga resort na ina-accredit nila!?

Pakisagot lang po!

BAKIT KAILANGAN ITAGO ANG POSAS?

NAGTATAKA tayo sa mga awtoridad kung bakit kapag malalaking tao ang inaaresto ‘e tinatakpan pa ng kung ano-ano ang mga kamay nilang nakaposas.

Si Janet Napoles, si Delfin Lee nang mahuli ay nakatakip ng damit ang posas sa kamay nila.

Ikinahihiya ba nila na makita ng publiko na naka-posas sila ‘e bakit no’ng ginawa nila ang kanilang krimen ay hindi sila nahihiya!?

Gaya nga nitong sina Cedric Lee at Zimmer Raz nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa.

Bakit pinayagan ng mga humuling awtoridad na takpan ng mga akusadong sina Cedric Lee at Raz ang posas sa kanilang mga kamay ng damit.

At nakangisi pa si Cedric.

Ganyan ba talaga ang batas sa ating bansa?!

Hindi nagiging deterrent sa  mga akusado?!

Saan kayo nakakita na walang ka-remorse-

remorse ang mga akusado (Lee & Raz) at mga nakangisi pa.

Tsk tsk tsk …

Kung naging mahirap ‘yan sina Cedric at Raz, magawa kaya nila ang iniasta nila sa Airport kamakalawa?!

Papayagan ba ng mga awtoridad na takpan ng damit ang posas nila!?

Alam na natin ang sagot d’yan. Isang malaking NO!

ROLEX NITECLUB SA CALOOCAN CITY SAGAD SA HUBARAN

NAGULAT tayo sa isang post sa Facebook na biglang nag-pop-up sa ating timeline.

Video ito ng isang KTV/club d’yan sa Caloocan City na laging mayroong ‘ALL THE WAY’ show (hubo’t hubad sa stage).

Mayroon din ‘aquarium’ kung saan makikita ang mga bebot at pwedeng pagpilian ng parokyano.

Aba, Caloocan City Mayor OCA ‘natural nine’  MALAPITAN, lapitan mo naman ‘yang ROLEX NITE CLUB diyan sa siyudad mo nang makita mo kung ano ang ginagawa sa mga bebot d’yan.

Mukhang ayaw rin lapitan ni Caloocan PNP Chief S/Supt. BERNARD TAMBOAN ang club na ‘yan!?

Takot ba si KERNEL TAMBAOAN sa mga “ALL THE WAY SHOW?”

O ayaw niyang maperhuwisyo ang parating mula sa ALL THE WAY?

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *