Saturday , November 16 2024

Bakasyong naging bangungot sa Pueblo Por La Playa, Pagbilao, Quezon (Attn: TIEZA COO Mark Lapid)

00 Bulabugin JSY

ISANG pamilya ang labis na nadesmaya  nang sila ay magbakasyon sa isang mamahaling resort sa Pagbilao, Quezon pero ang ending ay bumagsak ‘este’ napunta sila sa St. Luke’s Hospital.

Upang ma-enjoy nang husto ang bakasyon, pinili ng mag-asawa ang pinakamahal na villa sa Pueblo Por Playa, kasama ang kanilang baby boy.

Pero pagkagising, agad nilang nakita ang namamagang mukha ng kanilang anak dahil sa kagat ng surot o ipis. Hindi sila sigurado kung alin sa dalawa pero ang tiyak ‘e mayroon malaking kagat ng insekto sa mukha ang kanilang anak.

Bago matulog ng gabing iyon ang pamilya, minabuti ng ina na muling linisin at i-sanitized ang kwartong nakuha nila sa kanyang sariling pamamaraan.

Napansin niya kasi na hindi masyadong malinis ang kwarto base sa kanyang standard. So para hindi maistorbo ‘yung mga staff, siya na ang muling naglinis ng kanilang kwarto.

Pero mukhang hindi tinablan ng insect repellent ang mga alagang insekto ng Pueblo Por Playa kaya hayun nadale ang baby boy.

S’yempre dahil anak nila ang biktima, agad tumawag sa front desk (9:50 a.m.) si misis para magpapunta ng doctor o nurse sa kanilang villa para i-check kung ano ang nakakagat sa mukha ng kanilang anak.

Pero anak ng pitong surot, naghintay nang naghintay lang sila hanggang madiskubre nilang wala naman palang clinic ang resort kaya walang darating na doctor o nurse.

Sonabagan!!!

Nagpapahaba pa rin ng pasensiya, humingi na lang sila ng hot or cold compress pero ito ang isinagot ng empleyado sa desk … “Hugasan n’yo ng sabon ‘yung mukha ni baby, ‘yun lang po ang first aid na mabibigay namin.”

Doon na kumawala ang galit ng ina.

Itinanong ng ina kung sino ang kausap niya pero hindi na sumagot at ini-hang na ang telepono.

Nagpasya na lang ang ina na tawagan ang security para sunduin sila at dalhin sa lobby para mag-check-out.

Pagdating sa lobby, kinausap nila ang tao sa counter at hinanap ang resort manager para kausapin pero ganito ang sagot ng nasa counter: “May binili po sa bayan, hintayin n’yo na lang po s’ya kung gusto n’yo makausap.”

Desmayado na talaga nang husto kaya minabuti ng mag-asawa na mag-check-out na at binayaran nang buo ang kanilang bill.

Sa kabila ng perhuwisyong inabot ng pamilya ‘e siningil pa rin sila nang buo.

Sabi nga ng padre de familia, “We go on vacation to rest, relax and spend quality time with our family and not to be troubled!”

Sa madaling sabi, nakabalik na sa Maynila ang pamilya at dinala na nga sa St. Luke’s ang kanilang anak pero hindi pa rin umano sila nakatanggap ng tawag mula sa resort manager na si IVY ALCALA.

Kung hindi tayo nagkakamali ang Pueblo Plor Playa ay pag-aari ng pamilya ni dating congressman at ngayon ay Department of Agriculture (DA) Secretary PROCESO ALCALA.

Tumatayong corporate executive officer (CEO) ng kompanya ang kanyang anak na si IRVIN ALCALA.

Kaya ba parang DEADMA lang ang mga empleyado ng Pueblo Por Playa sa nagrereklamo nilang customer dahil ang amo nila ay si Secretary Alcala?!

‘E ito bang si Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) COO MARK LAPID ay ginagawa ba talaga ang trabaho niya na mag-monitor at mag-check ng mga resort na ina-accredit nila!?

Pakisagot lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *