ANO ba ang mga bagay na bad feng shui para sa bedroom?
Kabilang sa mga ito ang emotional painting na kapag iyong pinagmasdan ay tiyak na magdudulot sa iyo nang malakas na enerhiya ng kalungkutan at desperasyon.
Bagama’t may kasabihang “beauty is always in the eyes of the beholder,” ang sining o imahe na katulad ng nabanggit ay hindi nababagay sa bedroom.
Ang iba pang bagay na hindi nararapat sa bedroom ay ang salamin na nakaharap sa kama. Gaano man kaganda ang salamin, hindi ito nararapat na nakaharap sa kama.
Kung ang dalawang nabanggit na elemento ay nasa bedroom, maaaring makaranas ang matutulog sa kwarto nang matinding problema sa relasyon, lalo na ang mga mag-asawa.
Lady Choi