RIYADH – Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na kina-pitan ng Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV).
Kabilang ang anim Filipino nurses sa 16 kompirmadong kaso ng MERS-CoV sa nakalipas na 24 oras sa Saudi Arabia.
Ayon sa Saudi Health Ministry, 10 ang karagdagang patay na naitala dahil sa virus.
Kamakalawa, iniulat ng Saudi na tatlong Filipino nurses ang nakapitan ng MERS-CoV.
Nagtalaga na ang Saudi Arabia ng apat na specialized medical center sa Najran, Jeddah, Riyadh at Dammam para sa mga nagpositibo sa nasa-bing sakit.
Maraming mga magulang sa Saudi ang hindi na pinapapasok sa mga paaralan ang kanilang mga anak sa pangambang kapitan ng virus.