Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tips sa Solaire casino dealers, may ‘katkong na may bawas pang Tax!? (Paging: BIR & DOLE-NLRC)

00 Bulabugin JSY

KAKAIBA talaga ang Solaire Casino.

Normal na sa mga establisyementong hotel casino na ang players ay nagbibigay ng tip sa mga dealer gaya nga d’yan sa Solaire Casino.

Hindi gaya sa Resorts World Casino na ipinagbabawal ang  pagtanggap ng TIP sa casino dealers.

S’yempre ‘yang TIPS na ‘yan ay centralized at paghahati-hatian ng mga dealer at bisor sa itinatakda nilang panahon o petsa.

Ganoon naman ang nangyayari sa Solaire Casino, pinahahati-hatian ng mga dealer ‘yan, pagkatapos kunin ng MANAGEMENT ang PARTE nila!

Kung hindi tayo nagkakamali ay 50 percent share (parang may puhunan hehehehe) ang kinukuha ng Solaire management sa TIPs ng mga casino dealer.

Ngayon lang tayo nakarinig na ang TIP sa mga empleyado ay kahati at may parte pa ang management?!

Pero ang higit na nakasa-SHOCK, e ‘yung malaman natin na pati ‘yang TIP para sa mga dealer ‘e binabawasan pa ng TAX!

Tama ba Mr. Duria!?

SONABAGAN!!!

Mr. ENRIQUE RAZON, Sir, balak mo bang maging Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner at nagpapaka-EKSPERTO ka sa pagpapatong ng TAX sa mga raffle promo ninyo at ngayon ay pati sa TIP ng mga dealer ninyo ay may kaltas na tax ‘kuno’?!

Only in Solaire Hotel & Casino lang na sandamakmak ang TAX na ipinatutupad?!

Inire-REMIT n’yo ba talaga sa BIR ‘yan?!

Weee … hindi nga?!

STA. MESA OUR LADY  OF LOURDES HOSPITAL, PLEASE HIRE RELIABLE DOCTORS

AYON sa isa natin kaibigang doctor, na tinitiyak natin na very reliable, ang allergy kapag hindi na-manage nang tama ay posibeng ikamatay ng isang pasyente.

Kaya nga po ang mga bagong pasyente ay kinukuhaan ng history para alam ng physician (doctor) kung paano niya gagamutin.

Pero hindi ganito ang nangyari sa isa nating kaibigan sa Our Lady of Lourdes Hospital sa Sta, Mesa, Manila.

Nitong Last Wednesday (Abril 23, 2014), nagpunta ang isang kaibigan natin sa ospital na ‘yan para ipa-check-up ang balikat niya na mukhang naipitan ng ugat.

Hindi natin alam kung nag-advice ng ibang laboratory examination si Dra. CAROLINA M. VALDECANAS pero ang ibinigay niyang reseta sa pasyente ay pain reliever.

Idineklara ng pasyente na siya ay mayroong allergy sa ilang gamot.

Kaya inaasahan niya na alam na ni Dra. Valdecanas kung anong gamot ang pwede sa kanya.

Sabi pa nga raw ni Dra. Valdecanas, “Don’t worry hindi ka maaano sa gamot.”

Ang bayad ng pasyente sa check-up ay P700, no receipt.

Pag-uwi ng pasyente after mag-dinner ininom niya ang gamot, pero after few hours, ‘eto na, namaga ang kanyang mga mata at barado na ang kayang ilong.

In short, allergic siya sa gamot na ibinigay ni Dra. Valdecanas.

Dahil hindi na makahinga ang pasyente, itinakbo na siya sa opsital deretso sa emergency room. Agad naman na-manage ang kanyang allergy kaya mabilis itong humupa.

Kinabukasan, Thursday morning, hanggang hapon hindi mahagilap si Dra. Valdecanas, secretary lang niya ang nakakausap. Sabi raw ni Dra., ihinto agad muna ang gamot at puntahan ulit siya sa ospital.

Sa madaling sabi bumalik ang pasyente, nagbigay ng bagong gamot si Dra. Valdecanas pero ang sabi baka daw sumakit ang ulo niya sa gamot.

Nagulat ang pasyente pero higit sa lahat, siningil ulit siya ng P700 check-up fee.

Anak ng teteng!!!

Simple pain sa balikat, hindi na-diagnose nang tama ng isang DOKTORA na ilang panahon nang nagdodoktor?!

Nagbigay ng pain reliever pero muntik pang matodas ‘yung pasyente?!

Paging Our Lady of Lourdes Hospital!

Ang mga doktor ba ninyo ay gaya ni Dra. Carolina Valdecanas!?

Aba ‘e mag-HIRE kayo ng mga eksperto at very reliable doctors, ang mahal ng bayad sa serbisyo ninyo tapos ganyan klase lang ng serbisyo ang ibibigay ninyo sa pasyente?!

SONABAGAN!

Paging Health Secretary Ona!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …