NAMATAY ang isang sarhento nang barilin ng sinasabing fixer sa Land Transportation Office (LTO) na kanyang nakaa-litan sa Lipa City, Batangas kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktimang si SPO2 Arthur Laurel, habang ang suspek na si Edwin Mission, sinasabing kilalang fixer sa LTO, ay mabilis na tumakas ma-karaan ang krimen.
Napag-alaman, pinuntahan ng biktimang pulis ang suspek sa kanyang bahay at ipina-follow up ang ipinalalakad ni-yang mga papeles sa LTO.
Nang malaman ng pulis na hindi inaasikaso ng suspek ang kanyang ipinalalakad ay nagalit hanggang sila ay magtalo.
Pumasok sa bahay ang suspek at paglabas ay pinaputukan ang pulis. (BETH JULIAN)