Good aftie Señor H,
S pnagnip ko ay may humahabol s akn, then bgla dw may lumitw namang dmonyo pro d ko maalala kng ano nangyari ng lumbas yun demonyo s pnginip ko dont publish my no. po, slamat po. Im kiko… wag u naman po sna llgay s dyaryo ung CP ko…
To Kiko,
Kapag nanaginip ka na ikaw ay hinahabol, ito ay nagpapakita na iniiwasan mo ang ilang sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo mapapagtagumpayan o kaya, wala kang mahihita o mapapakinabangan. Ito ay maaari ring isang metaphor para sa ilang uri ng insecurity. Partikular, kung hayop ang humahabol sa iyo, ito ay nagre-represent ng iyong unexpressed at unacknowledged anger na nabibigyan ng projection. Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita rin ng pagtakbo o pag-iwas mo mula sa primal urge o fear. Dapat mong pag-aralang makayang harapin ang mga ganitong bagay, upang ito ay magkaroon na ng closure at ikaw naman ay makapagmove-on na.
Ang napanaginipan namang demonyo ay may kaugnayan sa fear, limitations, at negatibong aspeto ng iyong sarili. Posibleng bunsod ito ng itinatagong feelings of guilt. Ngayon na ang panahon upang mailabas mo ito o alisin sa iyong damdamin. Alternatively, ang demonyo ay nagre-represent din ng intelligence, cunningness, deception, at cleverness. Kung nakipaglaban ka naman sa demonyo, ito ay nagpapakita na ikaw ay magtatagumpay sa paglaban sa iyong mga kaaway.
Señor H.