Dahil sa sobrang selos nang malamang may iba nang nobyo ang dating nobya, nagbaril sa sentido ang isang sekyu sa Iloilo City.
Kinilala ang nagpakamatay na si Raymond Grecia, 29, hiwalay sa asawa, ng Bgy. Jebioc, Pototan, Iloilo, nagbaril sa harap ng dating nobya na si Angeline Cerjero, isang lady guard, sa Ledesma St., sa nasabing lungsod.
Nabatid na humingi ng tulong si Cerjeno nang guluhin siya ni Grecia nang malamang may bago na siyang nobyo hanggang sundan siya sa isang pawnshop bunsod para siya humingi ng tulong sa ibang guwardya.
Pero pagdating ng mga pulis ay agad nagbaril sa ulo si Grecia na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
ni Beth Julian