Monday , December 23 2024

Ex-chief security aide ni Kris new PAF chief

ITINALAGA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino bilang bagong commanding chief ng Philippine Air Force (PAF) si M/Gen. Jeffrey Delgado.

Si Delgado ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sandigan” Class of 1982 at kasalukuyang Deputy Chief of Staff for Plans and Programs (J5) na nakabase sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Dati rin siyang chief security aide ng bunsong kapatid ng pangulo na si Kris Aquino.

Kahapon ay pormal siyang itinalaga bilang bagong PAF chief sa turnover ceremony sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.

Pinalitan ni Delgado ang nagretirong si Lieutenant Gen. Lauro Catalino dela Cruz ng PMA “Mapitagan” Class of 1980.

(LAYANA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *