Monday , December 23 2024

Utol patay, 2 kritikal sa amok na baliw

LEGAZPI CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang 37-anyos lalaki habang dalawa ang kritikal makaraan mag-amok ang isang lalaking baliw sa Brgy. Buragwis sa lungsod ng Legazpi kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Revollete Boridor y Emata, kapatid ng suspek na si Ariel Nogales y Emata.

Habang sugatan sa insidente si Orlando Nogales y Emata, 28, kapatid din ng suspek, at ang kabarangay nilang si Joseph Escorial y Guerrero, 22, kapwa nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Ayon sa ulat ng pulisya, armado ng kutsilyo ang suspek na si Ariel nang bigla na lamang pagsasaksakin ang mga biktima.

Napag-alaman, sumailalim sa psychiatric treatment ang suspek bago naganap ang krimen.

(LANI CUNANAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *