Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Palakasan’ sa BoC Port of Cebu

BAKIT malakas si Jessica “Jec-jec” Delgado, ang bagong hepe ng Entry Processing Unit (EPU), kay District Collector Roberto Almadin ng Bureau of Customs, Port of Cebu?

Ano ang CONNECTION ni Delgado kay Almadin na isang retired military intelligence official? ORDERED DISMISSED by the Ombdusman  si Delgado dahil sa kanyang kaso nong 2011 ngunit ini-appoint pa ni Almadin na maging hepe ng EPU samantala marami naman ang may kakayahan at walang kaso.

Dating boarding and clearing officer ng Port Operations Division (POD) sa Sub-Port of Mactan-Cebu itong si Delgado na sumabit sa kontro-bersyal na pagkawala ng M/V Philippine Dream.

Kabilang si Delgado sa tatlong opisyal na nais-yuhan og dismissal orders dahil sa kanilang PAHINTULOT na makalarga ang M/V Philippine Dream na napatawan na ng WSD (Warrant of Seizure and Detention) Order papuntang Chittagong, Bangladesh noong Mayo 27, 2008.

Base sa resolusyon na pinirmahan noong 2011 ni Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang tatlong opisyal, kabilang si Delgado, ay NA-PATUNAYANG NAGKASALA sa kasong “gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of the service.”

DEPENSA ni Almadin, ayos na raw si Delgado dahil ang kaso nito ay “was already resolved at the Civil Service Commission in her favor.”

Ngunit ayon sa isang mataas na opisyal ng BOC Port of Cebu, na ayaw magpabanggit ng pa-ngalan baka raw siya resbakan, may isang malapit na kamag-anak si Delgado sa Civil Service Commission (CSC).

Samantala, meron din mata-taas na opisyal sa Port of Cebu na may UGNAYAN sa isang BOBOY LAO na kamakailan ay nagtangkang mag-ismagel ng mosquito coils na pinangambahang nakalalason dahil hindi dumaan sa Food and Drugs Administration. Iyan po ang ‘Daang Matuwid’ sa BoC Port of Cebu, PWE!

Junex Doronio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …