Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mirabella, wagi sa bagong katapat na show sa GMA (Nag-trend pa ang #MirabellaTheFreakShow)

ni  Maricris Valdez Nicasio

MARAMI talaga ang sumusubaybay sa teleserye nina Julia Barretto, Enrique Gil, at Sam Concepcion, ang Mirabella dahil top trending topic sa Twitter ang ginawang pang-aapi kay Mirabella.

Ang tinutukoy namin ay ang episode na napanood noong Abril 23 na inimbitahan si Mirabella (Julia) ni Terrence (Sam) na dumalo sa isang party. Doo’y kinatuwaan si Mirabella at inapi-api ng mga dumalo sa party.

Nag-trend ang hastag na #MirabellaTheFreakShow,  na no. 1 topic sa Philippines at no. 2 naman worldwide.

Matindi rin ang nakuhang ratings ng Mirabella mula Abril 21. Ayon sa datos mula sa Kantar Media, wagi ang teleseryeng pinagbibidahan ni Julia kontra sa bago nitong katapat na programa sa GMA. Humataw ang  Mirabella ng 20.5% national TV rating, o halos 10 puntos na kalamangan kompara sa My Love From The Star na nakakuha lamang ng 11%.

Samantala, mas magiging kapana-panabik ang mga susunod na tagpo sa Mirabella sa nalalapit na pagpasok sa buhay ni Mira (Julia) ng mahiwagang dalagitang si Bella. Sino si Bella at ano ang pagbabagong dadalhin niya sa mundo ni Mira? Huwag palampasin ang teleseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, Mirabella gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …