Saturday , November 16 2024

Apology with ‘suhol’ for closure and mutually satisfactory conclusion … (Weee … hindi nga?!)

00 Bulabugin JSY

SABI ng matatanda … “Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.”

At ‘yan po ang aktuwal na nangyari d’yan sa paghingi ng apology ni Erap sa Hong Kong government.

Ang ligoy ng mga pasikot-sikot na naganap … parang tsubibo!?

Kesyo mayroon pang mga pahayag ang Palasyo na hindi sila hihingi ng paumanhin dahil ang krimen ay kagagawan ng isang disgruntled element ng Philippine National Police (PNP).

Ang pinakahuling pagsisinungaling ng administrasyon ni PNoy ay nang sabihin ni Spokesperson Herminio “Sonny” Coloma, Jr., ilusyon lang daw ni Erap na mayroon siyang kasamang opisyal ng gobyerno.

Pero kamukat-mukat nating lahat ‘e totoo naman palang ‘SUGO’ ni PNoy si Cabinet Secretary Rene Almendras.

Kung ganoon rin naman pala ang mangyayari, sana inutusan na lang ni PNoy si Kris Aquino na siyang pumunta sa Hong Kong para humingi ng apology.

E sa totoo lang pala, APOLOGY with SUHOL pala ang lakad ni Erap.

By the way, saan nga pala ipinadala ‘yung perang suhol ‘este’ compensation sa mga biktima ng Luneta Hostage crisis?

Bank to bank remittance ba ‘yan? O d’yan lang dumaan sa Binondo Central Bank ‘black market remittance?”

Ano naman ang mangyayari after the apology?

Huhugos ba ang mga turista mula Hongkong sa bansa?

E sa totoo lang po, ‘yung Hong Kong nga ang masyadong sinuswerte dahil kahit middle income Pinoys ay nagtuturista sa kanila.

Dito sa Philippines, ang mga nagpupunta rito ‘e ‘yung mga sangkot na miyembro ng sindikato ng droga. Mga money launderer sa mga casino at iba bang unscrupulous characters na tumatakas sa batas ng China.

Pagkatapos ba ng apology na ‘yan ‘e wala nang maaabusong Pinay domestic helper? Tataas na ba ang sahod ng overseas Filipino workers (OFWs) sa HK?

Bibigyan na ba ng residency visa ang OFWs?

Hindi na ba tayo ibu-BULLY ng China?

Kapag ‘YES’ ang sagot lahat d’yan, ‘e di ipagbunyi natin si Erap.

Kung mangyayari ‘yan!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *