Saturday , November 16 2024

On the rocks!

Since the creation of the world, God’s invisible qualities—his eternal power and divine nature——have been clearly seen, being understood from what has been made, so that men are without excuse. —Romans 1:20

BLIND item muna tayo mga Kabarangay. On the rocks, itodaw ang nangyayari ngayon sa political career at love lifeng isang sikat na bise alkalde sa Metro Manila.

Namimintong malaglag ang kanyang karera sa politika sa 2016 mas lalo na ang kanyang buhay pamilya.

***

NAKU mga kabarangay, heto kasi ang kuwento, nagkakaroon na raw ng “malicious relationship” si VM sa anak ng kanyang ka-tandem sa politika sa isang malaking Lungsod sa Metro Manila.

Okey lang sana kung binata si VM at dalaga ang anak ng kanyang ka-tandem, ang kaso, kapwa sila legally married!

Interesting hindi ba mga kabarangay?!

PERO mukhang makakapuntos si VM o bise alkalde dahil sa “on the rocks” naman daw nga-yon ang pagsasama ng anak ng kanyang ka-tandem sa politika, kaya sinamantala nito ang pagkakataon.

Ang asawa ng babae ay anak ng isang prominenteng angkan mula sa industriya ng broadcasting network.

Mapagsamantala talaga si VM!

NAGALIT ANG KA-TANDEM

NANG malaman ang nangyayari sa dalawa, nagalit ang ka-tandem sa politika ni VM at tumutol na magkaroon ng ugnayan ang kanyang anak kay VM dahil sa may asawa na nga ito.

Dahil dito, tumagilid tuloy ang ambisyon ni VM na makuha ang inaasam na puwesto kapag iniwan ng kanyang ka-tandem  ang kasaluku-yang puwesto. Sinasabing sa kaanak na lamang sa politika ipamamana ang iiwang puwesto at hindi kay VM!

On the rocks tuloy ang political career ni VM sa 2016!

***

SUBALI’T ito ang pinakamasaklap, nalaman na ng misis ni VM ang tungkol sa  “relasyon” namuo sa pagitan ng kanyang asawa at anak ng ka-tandem sa politika.

Hindi tuloy niya malaman kung sino ang sisihin. Pero nanatiling kalmado lamang si Mrs. VM at hindi ginamitan ng kanyang expertise sa karate -judo ang kanyang asawa.

MRS. VM, IDINAAN SA DASAL

ANG MARRIED CRISIS

NITO lamang nakaraang Linggo, nagtungo si Mrs. VM sa Pink Sister Convent na nasa kanto ng Dona Hemady Avenue at 11th St., sa New Manila, Quezon City.  Idinaan na lamang nito sa dasal ang problema nilang mag-asawa.

Halos abutin nga daw ng buong araw sa pagdarasal si Mrs. VM sa loob ng Holy Spirit Adoration Sisters (Pink Sisters). Nagsialisan na  raw ang ibang nagsisimba, pero si Mrs. VM ay nanatili at taimtim na nagdarasal with matching crying pa sa loob ng simbahan.

***

BAKIT ba naman kasi sa malapit na simbahan pa nagtungo si Mrs. VM, tuloy maraming nakakilala sa kanya, napansin siya ng ilang parishioners.

Pero kung labas ng Maynila nagpunta si Mrs. VM halimbawa sa Pink Sisters sa Tagaytay, aba, tahimik doon at tiyak, wala pang makakikilala sa kanya para mapagtsismisan ng mga kabarangay natin.

On the rocks na rin pati married life ni Bise! Aawww!

***

NAKALULUNGKOT ang ganitong pangyayari, biruin mo nasa peak ang iyong political career pero ang lahat ng ito ay biglang mawawala dahil sa maling asal, maling pag-uugali at kawalang modo! May-asawa ka na, pero nakikiapid ka pa, susme!

Noong araw nang tanungin ako kung anong klaseng pagkatao mayroon itong si Bise, ang sabi ko, “Sir, mukha naman may modo po!”

Susmaryosep, ‘yun pala, demonyo!

***

O, nagtatanong kayo kung sino si VM at ang ka-tandem nito sa politika na inaswang pati ang anak nito, dyuskopoo naman mga kabarangay, madali lamang silang makilala.

Hindi na kayo ma-eerapan, dahil sabi nga nila,aasenso na ang  minamahal na Lungsod!

“Yun oooh!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *