NAGING matagumpay ang isinagawang operasyon kay Janet Lim-Napoles kahapon ng umaga.
Sinabi ni Dr. Efren Domingo, obstetrician-gynecologist na nagsagawa ng operasyon kay Napoles, tumagal ng dalawang oras ang operasyon.
Dakong 8 a.m. nang operahan ang tinaguriang pork barrel scam queen at natapos ng 10 a.m.
Ayon kay Domingo, kanilang tinanggal ang buong matres at dalawang obaryo ni Napoles.
Nagrerekober na umano si Napoles, na stable at gising na.
Sinabi ni Domingo, inaasahang tatagal ng isang linggo ang recovery ni Napoles kung walang komplikasyon.
(KARLA OROZCO)