KUNG hindi tayo nagkakamali, magdadalawang taon na nang i-announce ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Jose Ferdinand Rojas II, na ang operasyon ng PCSO Small Town Lottery (STL) ay papalitan na ng LOTERYA NG BAYAN (PLB).
Gusto raw kasi nilang putulin ang paggamit ng mga ‘gambling ‘jueteng’ lord’ sa STL.
Lumalabas kasi na mas malaki pa ang cobranza ng jueteng-STL kaysa tunay na STL.
Kaya nga ang tanong natin, nangyari ba ang plano na ‘yan?
Natigil ba ang paggamit ng mga ‘jueteng lord’ sa STL?
Hindi ba’t talamak pa rin ang jueteng lalo na sa Pangasinan, La Union, Cagayan, Baguio, Calarbazon at iba pang lalawigan sa Northern Luzon?
‘E kung mas malaki pa ang kinikita ng mga ilegal, papaboran natin ang inihaing panukalang batas (House Bill 4058) ng mag-utol na congressman na sina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez and Abante Mindanao partylist Rep. Maximo Rodriguez, Jr., na naglalayong itigil na ang STL sa buong bansa para wakasan ang paggamit ng mga ‘gambling lord’ sa nasabing PCSO lottery.
Paging PCSO!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com